ISABELLE POV “Hayaaaah!” sigaw ko habang sinusuntok ang isang punching bag. “Ilakas mo pa! ilabas mo lahat!” sigaw naman ni Manang Constancia sa akin. Napaupo na lang ako sa sahig habang patuloy parin sap ag-iyak. “Paano ka nakasisigurong siya ang makakaharap ko?” Kahit natatakot, gusto kong malaman ang totoo. “Si Elijah ang tagabantay mo. Siya ang nakakita kung sino ang nakalaan mong makakaharap. Sinabi niya sa akin ang mangyayari,” kwento niya. Bakit niya ipinakita sa akin ang nakaraan? “Ito ang huling pagsubok para masabi kung handa kana ba talaga,” Maging ako ay napaisip na rin kung kaya ko ba talaga. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit sa akin ginawa ni Tyzon ang hypnostic compulsion. Tama siya, masyado siyang selfish sa mga bagay. Sinasarili niya ang lahat para lang h

