CHAPTER 3

1322 Words
9:45PM NAALIMPUNGATAN ako dahil sa kumakatok. Pagbukas ko ng pinto ay si Eliza. “Ate pinagdalhan kita ng prutas dahil hindi ka pa kasi kumakain,” Hindi naman ako dapat magalit kay Eliza dahil hindi niya ginusto ang magkasakit pero hindi ko maiwasan ang mainggit dahil mahal siya ng lahat samantalang ako, namamalimos ng atensiyon ng iba. “Eliza, hindi ako gutom. Makakaalis ka na,” Hindi naman siya nagpatinag bagkus ay pumasok na sa kuwarto ko. “Ate may sugat ka. Kailangan mo magamot,” Kumuha siya ng first aid kit. “Sinabing umalis ka na eh! Hindi ka ba nakakaintindi?” sigaw ko sa kanya at narinig naman nila mommy mula sa kabilang kuwarto kaya’t agad-agad na pumunta. “Anong ginagawa mo sa kapatid mo?” galit na bulyaw sa akin ni daddy. “Okay fine. Ako na ang may mali. Bukas ang pinto kaya’t makakaalis na kayo,” sagot ko. “Bastos ka talaga!” Muli kong naramdaman ang palad ni mommy. Umiiyak si Eliza habang pinagmamasdan ang mga nanagyayari. Kahit hindi maganda ang relasyon namin, hindi ko nais masira ang pangarap niyang makita ang isang masaya’t buong pamilya pa rin kami na katulad sa mga iginuguhit niya. Pagkatapos ng mahabang sermon ay umalis na rin sila. Pagkasarado ko ng pinto, doon na tumulo ang luha ko.Gusto kong sumigaw pero nanghihina ako. Anak din naman nila ako pero tama sila, halimaw ako. Wala nang ibang ginawa kung hindi ang kaladkarin sila sa kahihiyan. Binuksan ko yung bintana at nagulat ako dahil naroon si Sir Franco? Kung gano’n, siya ang bagong lipat sa binentang bahay ng biyudang si Mrs. Verez. Agad kong isinarado yung bintana. Mukhang narinig na rin niya ang mga sinabi nila mommy dahil bukas ang bintana ko sa kuwarto. NAGISING ako mula sa sunod-sunod na pagtunog ng alarm clock. Hindi pa pala ako kumakain simula kagabi kaya sinisikmura ako ngayon. Bumaba na ‘ko pagkatapos ko mag-ayos. Maaga ako papasok dahil ayaw kong maabutan pa sila mommy. Isinasarado ko pa lang yung gate nang biglang sumulpot si Sir Franco sa likod ko. “Grabe naman sir, wag ka naman manggulat!” Natawa naman siya sa reaksyon ko. “Pwede ba ako sumabay sa’yo? Sira kasi ang kotse ko,” Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. Habang nasa kotse kami, binasag niya ang katahimikan. “Sorry kahapon Isabelle, wala akong ibang ibig sabihin,” hingi niya ng dispensa. Ngumiti na lang ako biglang sagot. “Magkapit-bahay pala tayo. Naririnig mo rin siguro ang bunganga ni mommy sa lakas,” wika ko habang naghahanap ng magandang music sa radyo. “Bago lang din ako atsaka don’t worry hindi ako masyado nakinig sa inyo,” Napangiti ako sa paliwanag niya. “Woah hindi masyado? So, nakinig ka pa rin.” Nagkabiruan pa kami hanggang sa dumating na ng school. Hindi naman siya nagtanong ng mga nangyayari sa bahay at mukhang wala rin siyang balak na alamin pa. Pumunta na siyang faculty. Sakto naman na siya ang first subject ko ngayong araw kaya sinabi niyang hintayin ko siya at sabay na kami pumasok sa room. Sa totoo lang, mas ramdam ko ang araw lalo na kapag tahimik at walang magulo. “Isabelle, kung may problema ka ay mas mabuting huwag sarilihin ang lahat. Huwag ka mahihiya sa akin para gumaan yung dibdib mo,” Bigla namang may pumasok na kapilyuhan sa isip ko. “Naku sir! Wala akong dibdib kaya magaan na ito,” biro ko. Hindi ko nakikita ang sarili kong marunong pa tumawa. Simula noong magulo ang buhay ko, parang ang lahat ay naging seryoso na. “Hindi ko nakikita sa personality mong palabiro ka. Mukha ka kasing lagi na lang nagagalit sa mundo,” sagot niya. Mukha nga talaga kaya marami ang natatakot sa akin. Galit ako sa mundo dahil binuhay ako sa sa ganitong sitwasyon. “Sana nga ay hindi na lang ako binuhay sa panahong ito,” mahina kong sagot na narinig pala niya. “Huwag mo sisihin ang mundo dahil maraming tao ang gustong mabuhay sa mga oras na’to,” Kung gano’n sa kanila na lang ang buhay kong walang silbi. Maya-maya ay dumating na rin ang iba kong kaklase. Magkaiba ang turing ko sa mga guro kaya alam kong may halong pang-aasar ang mga mata nila noong makita kaming nag-uusap na hindi naman masabi dahil natatakot sila sa akin. “Let me discuss today about the previous history,” saad ni Sir Franco at tumingin sa akin. “World war 2 ay nagsimula noong Setyembre 1, 1939 at umabot ng anim na taon. 60 milyon ang mga namatay sa giyerang nadamay.” paliwanag niya. “Kung iisipin, lahat sila ay lumaban para mabuhay. Lumaban sila para mailigtas ang iba pang mga kalahi. Pero sa panahon natin ngayon, sa 60 milyong nagbuwis ng buhay ay hindi man lang natin maalala kahit ang sampung pangalan sa mga nakasama roon,” Tama siya. Sa mga namatay na iyon ay hindi kinilala ng kasaysayan kung hindi ang bilang lamang ng mga nasawing buhay. “Pero kahit gano’n naglingkod sila sa bayan nang walang anumang hinihintay na kapalit. Tumutulong silang iligtas ang mga kalipi laban sa giyera. Kaya ang paggawa ng mabuti, hindi mo kailangan ipakita iyan sa iba bagkus ay gawin mo dahil iyon ang tama,” Isinasama niya yung lesson at yung aral na parang patama sa akin. Matapos ng mahabang discussion ng araw na iyon, nag-aya si Katherine na maghang out. “Bakit tahimik ka yata? First time. Ikaw ba ‘yan Isabelle?” asar niya at hinawakan ang noo ko. “Tsk. Wala akong sakit,” Hinawakan naman niya ang pulso ko. “Okay naman t***k ng pulso mo pero ang sinisigaw nito ay sir tugs* Franco tugstugs*” dagdag pa nito at binatukan ko naman. Paglabas namin ay saktong labasan na rin nila Ysa. Kailangan ko pa nga pala siya makausap. Hinintay namin si Lorein at Vien. Noong palapit na sila, nagkaayayaan kumain sa Florencia Restaurant, paborito naming kainan. “DON’T be so stupid, Ysa. Ano bang ibig mong sabihin?” tanong ko noong makaalis sina Lorein at Katherine para umorder habang si Vien ay nagpaalam muna para magCR. “Iba naramdaman ko noong hinawakan kita Isabelle. Hindi ko pa alam kung ano,” Magtatanong pa sana ako ngunit dumating na si Vien kasabay si Lorein. “Mukhang ang seryoso niyo guys,” bati ni Vien sa amin ni Ysa. Ibinaba na nila yung mga inorder namin. “W-wala, iniisip ko lang kung bakit ayaw pa sagutin ni Ysa si Daniel besides okay naman siya?” pag-iiba ko ng usapan namin. “ Oo nga. He’s hunk and totally hansome,” dugtog ni Lorein. “He’s not one of a kind,” wala sa ulirat na sagot ni Ysa. Lalong nagpagulo sa ko ang sinabi ni Ysa bago sila dumating. *****FLASHBACK***** “Nagising na si James at tinatanggi niyang kasama ka noong umalis kayo sa bar,” paliwanag ni Ysa. Bakas sa bakas ng mukha nito ang pag-aalala. “Magkasama kami —” Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin nang sumingit siya. “Sa’yo na mismo nanggaling kaya’t paanong wala ka sa cctv samantalang magkasama kayo?” tanong niya. “Kung iniisip mo na matatakot ako pwes, wag mo na subukan Ysa,” banta ko sa kanya. “I am serious Isabelle. Kung iisipin, baka malapit lang siya sa’yo,” Sh*t. Ano bang mga sinasabi ni Ysa at tinatablan na rin ako ng kaba sa nangyayari? “Sino ba kasi ang sinasabi mo? I can’t understand what you mean,” Tumingin siya sa akin at tahasang sinalubong ang mga mata ko. “Because I am a witch Isabelle,” sagot niya na ikinagulat ko. Iniwasan ko ang tingin niya. “Ysa this is not a right time for your joke,” “Please Isabelle, don’t tell it to everyone,” pagmamakaawa niya. Sasagot na ako noong biglang dumating sila vien. *****END OF FLASHBACK*****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD