CHAPTER 4

1050 Words
PAIKOT-IKOT ako ngayon sa higaan. Matapos naming kumain sa Florencia ay nagpaalam na rin ako dahil ang daming missed calls ni mommy. Sure na sermon na naman ako sa bahay dahil mahigpit sila sa akin at hindi ako nakapagpaalam na nagkaayaan kumain. Pinag-higpitan nila ako dahil nalaman nilang sumasama ako ng mga gimik at banda. Mahilig ako sa paggigitara. Walang nakakaalam, hindi kasi ako nagpapakita ng talento para hangaan lang ng ibang tao. Hindi pa man ako tuluyang nakapapasok sa loob ng bahay, inaasahan ko na ang sermon at hindi naman ako nagkamali. Salubong na kilay ni mommy ang unang bumungad sa akin. Wala na rin talab kung ano man ang sabihin nila. Isa lang naman akong walang kwentang anak kaya hindi na nila kailangan pang ipamukha at paulit-ulit sabihin. Pagpasok ko ng kwarto, agad akong sumampa sa kama. Bakit gano’n, kahit sanay na ako sa masasakit nilang salita ay nasasaktan pa rin ako? Hindi ko kayang makipagtitigan sa butiking gumagapang sa kisame buong gabi. Agad akong nagpalit ng damit. Tinawagan ko naman si Katherine pero hindi sumasagot. Pupunta pa rin ako ng bar kahit wala sila dahil hindi ko kailangan ng kahit sinong kasama para maging masaya. Ni-lock ko yung kuwarto para siguraduhin na walang makakapasok at pagkatapos ay dahan-dahan kong inakyat ang bintana. Hindi ito ang unang beses ko gagawing tumakas kaya lang ay pinalagyan nila mommy ng CCTV ang babagsakan ko. Ang hindi nila alam, sa iba ko itinapat yung CCTV. Kung minsan, kailangan din natin maging madiskarte. Dahan-dahan akong bumaba sa tarangkahan. Paglingon ko, kulang na lang ay tawagin ko ang lahat ng santo sa gulat. Sino ba naman ang hindi magugulat kung si Sir Franco ang nasa likod ko. “Ay santa maria—sir naman nakakagulat kayo,” Kumunot ang noo niya at tinignan ang relo. “Pagabi na ah, bakit sa bintana ka dumaan? Bumalik ka na roon at mapapagalitan ka,” panenermon nito. “Gusto ko lang magpalamig. Masyado nang toxic sa bahay,” walang gana kong sagot. “Mapapahamak ka,” pag-aalala niya. “Kaya kong ingatan ang sarili ko,” Sinubukan kong umalis bagamat hinarangan niya ako. “Sir, padadaanin niyo ako ng kusa o sapilitan?” paghahamon ko sa kanya. Mainit din ang ulo ko, kailangan ko ng pagbubuhusan. Ayaw ko naman na si Sir Franco ang sumalo ng kamao ko at baka ito maging dahilan para madrop out ako sa school. Hindi pa rin siya umaalis. Gusto ata talaga sa akin makatikim. Hinawakan niya ako sa braso na agad ko naman pinihit ang kamay niya patalikod at sinipa ang sikmura niya. Tinignan niya ako ng walang emosyon. Parang hindi siya nasasaktan sa ginagawa ko. “Gusto mong ibuhos ang nararamdaman mo? Sige, subukan natin,” matapos niya iyon sabihin ay sinugod ko siya. Ang bawat suntok ko ay iiiwasan niya. Ang bilis niyang umilag hanggang sa natrap na yung kamay kong hawak niya. Pinaikot niya ako pinaikot patalikod mula sa kanya. Maya-maya ay parang may kung ano akong naramdaman at pinaghiwalay kami. Humarap ako sa kanya at nagulat ako dahil nakahiga na siya sa sahig. Tinignan niya ako na may halong pagtataka. Anong nangyari? Ganiyan din ata ang tanong niya. “Malakas ka. Saan mo natutunan iyan?” tanong niya noong makatayo. “S-sorry Sir. I have to go,” paalam ko bagamat hindi niya ako tinitigilan. Tumawag na ako ng taxi ng aming subdivision number. Sinundan ako ni Sir Franco kaya iniligaw ko pa siya ng daan at mukhang hindi naman niya ako nasundan pa. Pumunta ako ng bar. Wala ang mga kaibigan ko kaya mag-isa akong umorder ng vodka at agad kong nilagok lahat. “Hi, I’m Tyzon,” bati ng isang lalaki at um-order din siya sa counter. “I don’t f*cking care about you. Don’t make me mad or else, I’ll kill you,” pananakot ko sa kanya. Tumawa siya at muling uminom. “Look, wala akong masamang balak sa’yo,” Pumunta na lang ako sa dance floor at nakisayaw. Nakita ko siyang nakatingin kaya inirapan ko. Noong mapagod ako, bumalik ako sa counter para umorder ulit. Akala ko ay umalis na siya, iyon pala ay may babae lang na nilapitan. “Hey. You look so serious. Kalma ka lang, okay?” Biro niya na sinamaan kong muli ng tingin. “I am bastard so if you don’t want to go in hell, leave me alone!” Mukha siyang nang-aakit ng lasing. Kung ang alak nga hindi sa akin mabilis tumalab, iyon pa kayang ginagawa niya ngayon? Tinignan ko yung orasan at 11:36pm na rin pala. Kahit tumakas ako sa bahay, alam pa rin nila mommy dahil siguradong sinabi na ng guard ng village kaya’t susulitin ko na. Mukha namang cool itong si ano—Tyron? Pangalan ba iyan ng tao? “Tyron sob*” Tawag ko sa kanya. “Tyzon not Tyron,” pagtatama niya sa akin. “Tyzon, Tyron—whatever your name!” sigaw ko at sabay kaming natawa. Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano. Kahit papaano ay masaya naman siyang kausap kaya pinagtiyagaan ko na rin. “Lasing ka na. Ihahatid na kita sa inyo,” Naalala ko naman yung nangyari sa akin noong kasama ko si James kaya’t agad akong tumanggi. Lumabas na ako ng bar at nararamdaman kong nasa likod lang siya. Pagsakay ko ay sumakay rin siya sa front seat, katabi ng driver. Hindi ko na lang pinansin pa bagkus ay nag-earphone nalang din ako. Noong nasa subdivision na kami, nagtataka ako kasi kasama ko pa rin siya hanggang pagbaba. “Kung may balak ka sa aking masama, huwag mo nang balakin dahil hindi mo gugustuhin ang mapilayan at umuwing gumagapang,” pananakot ko pa. “Dito nakatira ang kapatid ko,” sabay turo sa bahay ni Sir Franco. “M-magkapatid kayo?” Tumango naman siya matapos ay kumatok. Lumabas naman si Sir Franco at tinignan muna ako bago batiin si Tyzon. “Bro, you didn’t tell me that you have a beautiful neighbor,” pilyong harot ni Tyzon. Seryoso pa rin ang mukha ni Sir Franco. “pumasok ka na sa inyo Isabelle,” utos niya. Napairap na lang ako bago umakyat sa bintana. Magkapatid pala sila pero magkaiba ng ugali. Si Sir Franco kasi ay seryoso at hindi tulad ni Tyzon, mukhang sa kalokohan magaling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD