CHAPTER 5

1517 Words
KRINGGGGGGG!! Nakakarindi din talaga ang tunog ng alarm clock ko. Ang sakit ng ulo ko dahil sa kagabi. Bigla namang may kumakatok sa pinto, si Manang Constancia. “Sabelle, inumin mo muna itong sabaw para matanggal sakit ng ulo mo, pinapadala ng mommy mo sa’yo,” paliwanag niya habang ibinababa ang tasa ng sabaw sa lamesa. Pinadala ni mommy? Nananaginip ba ako? Kailan pa nagkaroon ng pake sila sa akin? Tsk… Ininom ko yung dala ni Manang matapos ay bumaba na. Nakakapanibago ang araw na ito dahil imbis na magalit sila, nakikita ko ngayon si mommy na nagluluto at ngumiti sa akin noong makita ako. “Anak papasok ka na? nagluto ako ng beef steak na paborito mo. Nagluto rin ako para baon mo,” masaya niyang bati sa akin. Hindi ba talaga siya nagagalit? Hindi na ako nakakain dahil 9:30am start ng klase ko ngayon kaya kinuha ko na lang yung ipinabaon niya sa akin at pumunta ng kotse. BORING dito sa school. Hindi dahil sa tamad akong mag-aral, sadyang inaantok lang ako sa mga discussion nila kaya dumukdok na lang ako. “Ms. Jaydon, I am right? nasa kalawakan ba ang isip mo?” pamamahiyang tanong ni Mrs. Velasquez, teacher ko siya ng Philosophy at ako ang estudyante niyang pilosopo. “Oo eh.. kumusta naman yung tinuturo mong wala naman sa libro?” balik kong tanong. Ramdam na ng mga kaklase kong may mangyayari. Bago lang si Mrs. Velasquez kaya siguro hindi pa niya ako kilala. “W—what?” galit niyang tono. “Well, puro talambuhay ang sinasabi mo at hindi yung mismong lesson,” Napapangiti naman ang iba kong kaklase sa walang gana kong sagot. “So, ano ang inaasahan mo sa Philosophy?” Tinaas ko muna yung paa ko sa bakanteng upuan. “Inaasahan kong may matutunan ako dito kaso mukhang wala dahil sa’yo,” Nabakas sa kanya na lalo siyang nagalit sa akin. Marami na rin ang umalis na mga teacher dahil hindi natagalan ang ugali namin___ugali ko. “You are just a student here---” Pinutol ko ang sasabihin niya, “And you are just a teacher too,” Wala akong gana na makipag-away pa sa kanya kaya nagdesisyon na akong lumabas para pumunta sa bench ng school. “Look who’s here,” nagsalita mula sa likod ko ay si Tyzon. “Bakit ka nandito?” ma-awtoridad ko sa kanyang tanong. “Dito na rin ako mag-aaral sabi ni Kuya Franco,” aniya. Hindi na ako nagsalita pa. Wala rin ako sa mood na makipag-away after ng nangyari sa amin ni Mrs. Velasquez. Magsisimula na rin daw ang klase niya kaya nagpaalam rin agad. Nagcutting ang loko sa first subject niya. Bumalik na rin ako sa room para sa next subject ko. Sa labas pa lang, rinig na ang ingay sa room. Ako ang presidente dito dahil walang gustong mangahas na kalabanin ako. Noong maramdaman nila ang presensya ko, agad naman silang umayos. Nagsimula na rin ang iba pa namin subject at ang paborito ko sa lahat ay si___Sir Franco. Nagpagawa siya ng activity at nagdiscuss about history. Nakagawa naman ako kahit papaano. Tinignan niya lang ang papel ko at tumango bilang sagot na pwede na akong lumabas para maglunch. Nakonsensiya ako sa ginawa ko kaya kahit labag sa loob ko ay humingi ako sa kanya ng sorry na agad din naman niyang tinanggap. Hindi ko trip pumila sa cafeteria kaya pupunta na lang ako sa bakanteng room ng 3rd floor para magpahangin. Mula dito, kita na ang kabuuan ng school. Sa hindi kalayuan, narinig ko ang boses ng lalaki sa ikaapat na room, malapit sa hagdan. Matalas ang pandinig ko kaya hindi ako pwedeng magkamali. Pagpunta ko roon, hindi nga ako nagkamaling may tao sa loob. May mga damulag na masayang nilalamon yung baon ng binubully nila. Kinalabit ko ang isa at binantaan pa akong umalis na habang hindi lumilingon dahil abala pa rin sa paglamon. Tumikhim ako pero sumigaw lang siyang ikamamatay ko kapag hindi pa umalis. Yung tatlo niyang kasama ay paraang natulala noong makita ako. Hindi sila makapagsalita, kinakalabit nila yung pinakadamulag sa kanila na sa tingin ko ay leader. “Ano ba? Huwag niyo ako guluhin kung ayaw niyong hindi na makauwi,” banta niya sa kasama. Masyado siyang mayabang, dapat turuan ng leksyon. “Mas maganda siguro kung ikaw ang nakaburol,” saad ko. Nakita ko ang pagtigil niya. Dahan-dahang lumingon sa akin matapos ay napapaatras. “M-mauna na kami,” dali-dali niyang paalam pero hinarangan ko yung pinto. “At sinong nagsabing makakaalis kayo?” Agad naman sila sa akin lumuhod na nagmamakaawa. “Pakiusap, gagawin namin lahat basta huwag mo kami sasaktan,” pagmamakaawa ng isa. “Ibili niyo siya ng pagkain na inubos niyo,” itinuro ko yung lalaking inagawan nila. Agad naman silang tumango at kumaripas ng takbo. Pagkaalis nila, inilahad ko yung kamay ko para tulungan siyang makatayo. “Sa-salamat,” nahihiya niyang sagot. Noong makaayos na siya ng upo, tumabi naman ako sa kanya. “Huwag kang papayag na awayin nila dahil uulit-ulitin nila iyan sa’yo,” Maya-maya ay dumating na rin yung damulag na may dalang pagkaing pangtatlong tao ay kasya. Agad ko rin silang pinaalis noong maiabot na ang mga supot. “Magpakabusog ka,” sambit ko nang hindi na siya nilingon pa bago lumabas. “Hindi ka naman pala halimaw tulad ng sinasabi nila. Salamat Isabelle,” pahabol niya. Napangiti ako pero hindi na’ko lumingon pa. Bumalik ako ng room pero maaga pa kaya tinawagan ko sina Katherine, Lorein, Vien at Ysa. Magkakaiba kami ng schedule kaya bihira lang kami magkasabay-sabay ng lunch. 2 new messenges from Vien From Vien: Huwag kang tumawag, may klase ako From Vien: Hanap ka muna jan makakaaway mo To Vien: Huwag kana makinig, boring lang sila From Vien: Duh! Mas matino ako sa’yo To Vien: Kaya pala nagce-cellphone ka 1 new message from Katherine From Katherine: Hindi ako pumasok, sumama ako sa business meeting ni mommy To Katherine: Okay. Enjoy your day. Send message to Ysa: Ysa, where are you? From Ysa: Nasa room. Bakit? To Ysa: Tara sa under ground From Ysa: Cutting? To Ysa: Tatanggi ka? From Ysa: No choice. See yah Send message to Lorein: To Lorein: Hey! From Lorein: Underground? To Lorein: G? From Lorein: Sure. Matapos ay inayos ko na ang gamit ko. Pagpunta ko sa underground ay nadatnan ko na si Lorein samantalang si Ysa naman ay kasunod ko lang din na dumating. “Isabelle Jaydon, ano na naman naisip mo?” tanong ni Ysa noong makalapit na. Nagcross arm ako at sumandal sa pader. Alam na nila ang ugali ko, nag-aaya ako rito kapag gusto ko makahanap ng kaaway. Kinatatakutan ako sa school pero walang makapagbigay ng ebidensiyang ako ang gumawa sa mga estudyanteng pilay at yung iba ay nasa hospital dahil natatakot sila. Isa sa grupong nakabangga ko ay ang Black Mafia. Bago ako dumating ng school, matunog na ang pangalan nila. Galit ako sa mga papansin para lang makakuha ng atensiyon. In other words, galit ako sa mga katulad nila. Ang leader ng grupo nila ay si Jake Brent na nasa seksiyon A kaya marami din siyang hawak. Tinaguriang matitino pero mas madumi pa sa amin maglaro. Dito sa underground kami madalas magharap. “So, nasaan na sila?” pag-iiba ng usapan ni Lorein. Tinignan ko lang sila ng walang emosyon. “Hindi ko alam,” Kumunot naman ang noo nila sa sinabi ko. “Pinapunta mo lang kami ng walang dahilan?” angal ni Lorein na inirapan ko na lang. “Ahm Isabelle, yung pinag-usapan natin noong nandoon tayo sa Florencia totoo iyon,” saad ni Ysa. Tinignan ko siya ng nagtatanong kung may alam ba si Lorein at tumango naman siya bilang sagot. Akala ko noon, sa alamat lang nabubuhay ang mga witch pero ngayon ay nasa harap ko si Ysa. “Alam na nila. Unang nakaalam ay si Katherine. Noong umalis ka sa Florencia, sinabi ko na rin dito kay Lorein at Vien ang totoo,” dagdag pa ni Ysa. Huminga muna ako ng malalim at isiping hindi ako nananaginip. “Ysa, I felt like there’s someone always looking at me. Hindi ko mahagilap kung saan,” nagtataka kong panimula. “That’s totally weird Isabelle,” ani ni Lorein “I can’t find out. Ang mga spell ay ko makukuha hanggat wala akong 18,” paliwanag ni Ysa. Kami ang grupong walang kinatatakutan maliban lang sa mga sinasabi ni Ysa. Hindi ako naniniwala sa ghost o sa mga elementong lupa pero bakit iba pakiramdam ko? May sumusunod sa akin pero hindi ko makita kung sino. Bigla na lang nagvibrate ang phone ko galing sa text ni Katherine. 1 message from Katherine: Sabelle gising na daw si James sabi ni Daniel pero wala daw maalala sa nangyari. To Katherine: Okay. Binaba ko na yung phone at sinabi ko kila Lorein at Ysa yung balita. Maya-maya ay tumunog na ang bell, tanda na mag-uuwian na. Paglabas namin ng gate, nagkanya-kanya na kaming punta ng parking lot. Wala rin ako sa mood na masermonan kaya uuwi ako ng maaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD