CHAPTER 6

1083 Words
Nandito nanaman ako sa kwarto at nag-iisip ng kalokohan.  Wala kaming pasok ngayon dahil sabado. Wala sila mommy dahil may meeting sa company. Naisipan kong lumabas ng bahay para naman magpahangin bagamat delubyo ang nakita ko dahil si Tyzon ang sumalubong sa pinto pa lang. “Hi Neighbor,” masaya niyang bati. Natanggal lang ang inis ko noong mapansin si Sir Franco na parating at may dalang sandok. “Tyzon, yung pinapaluto ko sa’yo!” inis na bulyaw nito. “Bro, alam mo namang hindi ako sanay sa ganyan,” kamot-ulong sagot ni Tyzon. “A-ako nalang ang magluluto,” kusa ko at tumingin kay Sir Franco.  Alam kong aangal siya kaya muli akong nagsalita. “Peace offering na rin dahil sa nangyari noong nakaraang linggo." Hindi pa man sumasagot si Sir Franco ay hinatak na ako sa braso ni Tyzon papasok ng bahay nila.  Inilibot ko yung kabuuan ng bahay at masasabi kong wala sa itsura nilang sa kanila ito dahil napakalinis ng paligid. Mahihiya ang kwarto ko dito kung makapasok sila. Ikinuha ako ni Sir Franco ng apron at tinulungan niya akong itali ito sa likod ko. Aaminin kong may pagkamasungit siya pero yung ugali niya ay talagang naiiba sa mga nakilala ko. Nakatingin naman sa amin si Tyzon ng walang anumang reaksiyon. Naghanap ako ng pwedeng lutuin. Naisipan kong magluto ng adobo, ang paborito namin ni Eliza. Ipinagluluto ko parin siya nito pero sinasabi ko kila yaya na huwag sasabihin kay Eliza na ako ang nagluto no’n.   Habang naghihiwa ako, hindi ko maiwasan maiyak sa sibuyas. Hindi ko alam kung sa sibuyas ba talaga ako naiiyak o sa alaala namin ng kapatid ko. Nakita ko na lang na kumuha si Tyzon ng panyo at ipinunas sa mukha ko. “Masyado kanang nasasaktan ng sibuyas,” biro niya. Umiling na lang ako at inihanda ko na rin yung manok. Si Tyzon ay bumalik sa sofa, nandoon rin si Sir Franco.  Paano ako malulungkot kung may gwapong nanonood sa ginagawa ko? Okay fine. May paghanga ako kay Sir Franco. Siya lang kasi yung unang tao na nagparamdam sa aking normal na tao ako. Yung tipong hindi siya nakararamdam ng takot sa akin. Hindi ko na ata kailangan pa ng adobo, si Sir Franco kasi ulam na. Si Tyzon naman ay dessert, kaya lang sa sobrang tamis ay nakakaumay. Matapos ko magluto, tinawag ko na rin sila. Naghain si Tyzon ng mga plato para sa amin. Inaya na rin nila akong sumabay kumain kaya hindi na ako nakatanggi pa. Hinihintay ko ang komento nila sa iniluto ko. Tulad ng inaasahan, si Tyzon ang unang mamimintas dahil diyan lang naman siya magaling. “Ang asim naman Isabelle, parang yung amoy mo,” Tinignan ko naman siya ng masama. Ang sama talaga ng ugali niya. “Hindi ah,” sagot naman ni Sir Franco. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ay ipagtatanggol niya ako sa demonyo niyang kapatid ngunit nagsalita siya ulit. “Mas matapang yung nilagay na toyo. Parang yung nagluto lang, laging tinotoyo,” Parehas ko silang tinignan ng masama. Magkapatid nga talaga sila, parehas mahusay sa pang-aasar. Pero hindi ko itatanggi, mas saya akong nararamdaman kapag kasama sila. Sila lang kasi yung taong nagparamdam na hindi ako naiiba at hindi rin isang halimaw tulad ng tingin sa akin ng iba. Hindi daw masarap pero naubos nila. Iniligpit ko na ang mga pinagkainan namin. Ako na ang nagluto kaya sila naman ang mag-urong. Hindi ko ito bahay, bisita dapat ang turing nila sa akin. Tinignan ko ang mga litrato nilang magkapatid. Ang saya nila doon, halatang parehas nilang mahal ang isa’t isa. Si Eliza nanaman ang naiisip ko. “Ang gwapo ko ba diyan?” biro ni Tyzon noong makalapit na. “Condolence sa namatay na joke,” seryoso kong sagot na ikinatawa niya. “I love your sense of humor Isabelle,” Hindi ko alam kung compliment ba iyon o parte ng pang-aasar niya. Sumeryoso siya noong mapansin naiinis na ako. “Parang ang lalim ng iniisip mo,” aniya. “Wala." Naalala ko lang si Eliza,” walang gana kong sagot sakaniya. “Bakit?” inosente niyang tanong. Bagkus na sagutin ko ay nanahimik na lang ako. Naramdaman siguro niyang ayaw kong pag-usapan kaya siya na lang ang nagkwento. “Few years passed since nag-away kami ni Kuya. Masyado siyang selfless kaya mahal siya ng lahat. At ako? Isang selfish na naghahangad ng atensiyon,” Parang parehas lang din pala kami. Tinignan ko siya, hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “You know what is the selfish thing he did and what is the most selfless thing I did?” tanong niya.  Umiling naman ako habang hinihintay ang isasagot niya. “We both fell in love with the same girl at the same time. The only thing I can do to my brother is to left the someone that I love the most for him.. she is Samantha,” Natahimik naman ako sa sinabi niya. Si Tyzon ang tipong puro kalokohan lang ang alam.  Ang sabi nila, kung sino pa ang masayahin, sila pa ang may itinatagong lungkot ngunit habang pinagmamasdan ko si Tyzon, pakiramdam ko ay totoong tao siya sa lahat ng bagay. “Wh-what happened next?” taka kong tanong sakaniya. “That’s long story. In short, mas pinili namin ang magkaayos kaysa ang masira ang samahan namin ng dahil lang sa babae. Hindi ba brother?” Napalingon naman ako sa likod. Hindi ko naramdamang nandito na pala si Sir Franco. Tinignan niya lang kami matapos ay pumunta na ng sofa. Magpapaalam na rin ako at titignan ko pa si Eliza. Kanina kasi ay narinig kong sinabi niya kay yaya na nahihilo siya.    Kahit may sama ako ng loob. hindi ko siya matitiis dahil magkapatid kami.       Hinatid ako ni Tyzon sa gate namin. Binuksan ko na yung pinto at nagtataka ako dahil wala sa sala si Eliza at wala sa kwarto niya. Tinanong ko yung ibang katulong ngunit walang makapagturo. . “Nasaan si Eliza?! Kapag hindi niyo siya sa akin nailabas, hindi niyo gugustuhin!” galit kong bulyaw sa kanila. Iba ang pakiramdam ko na parang hindi maganda. Inikot ko yung buong bahay. Sa hindi kalayuan, nakita kong bukas ang kwarto ko. Pagpasok ko, nakita ko si Eliza na nakahiga sa sahig habang yakap ang litrato ko. Wala siyang malay kaya agad ko siyang binuhat at dinala sa higaan. Dumating naman sila yaya at bakas sa mukha nila ang pag-aalala. Kumuha sila ng malamig na tubig at bimpo para ipunas kay Eliza. Dumating na rin ang doctor niya. May kung anong machine din itong binuksan at tinapat iyon sa ilong niya para daw makahinga. Kahit matinis ang loob ko kay Eliza, hindi ko parin maiwasan ang hindi mag-alala. Masama akong kapatid pero kahit kalian, hindi ko hiniling na may masama sakaniyang mangyari. Noong nakita kong maayos na si Eliza, kinuha ko kay Manang Constancia ang basang bimpo. Siya ang mayordoma ng bahay. Agad naman niyang ibinigay matapos ay pinaalis ko na sila. Noong maiwan nalang kami ni Eliza sa kwarto, pinalipitan ko yung bimpo bago sakaniya ipunas. Natutulog siya ngayon. Mas mabuti na rin ito, ayaw kong makita niya ako dahil sa ganitong paraan ko lang siya maaalagaan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD