3 years Later Tatlong taon na ang lumipas. Ginamitan ko ng hypnostic compulsion ang mga magulang ni Isabelle upang hindi nila maramdaman ang pangungulila. Sana pwede rin sa akin ito gamitin, sana gano’n lang kadali para kalimutan lahat. Nagkaroon na rin ng kapayapaan sa mga lahi ng bampira, lobo, witch, at higit sa lahat ay mga tao. Hindi ko na rin nakikita sila Ysa at Katherine. Si Elijah naman ay tumigil na rin sa pang-iinis. Hanggang ngayon, naaalala ko parin si Isabelle. Sana kung nasaan man siya ngayon, maging masaya siya sa mga nangyayari. Maya-maya pa ay natanawan ko siyang nakatingin sa hindi kalayuan. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako kakaisip sakaniya o siya talaga. Sinundan ko kung saan siya pumunta ngunit nawala. Hindi ko masundan ang amoy niya. Impossible b

