ISABELLE POV Dumating na ang araw na pinakhihintay ng lahat, ang dwelo. Pakagat na ang dilim, ito ang tanda na magsisimula na ang labanan sa dalawang pangkat. “Awuuuuu!” hiyawan ng mga lobo. Ang mangyayaring labanan ay magiging bukas para sa lahat ngunit, walang sino man ang maaaring makapunta kung hindi kaming dalawa lang ni Tyzon sa Diyetres, lugar ng kamatayan. Nagsimula na magbigay ng hudyat. Mariing akong pumikit at hinayaang dalhin ng isang ipo-ipo papunta sa kinaroroonan ng Diyetres. Pagdilat ko, isang madilim na lugar. Walang anino at walang tao. Tila nakabibinging katahimikan. Ang sabi sa akin ni Manang Constancia, ang dwelo ay magsisimula sa paglubog ng buwan. Maya-maya nakita kong parating ang isang malakas na hangin at naroon si Tyzon. Tinignan ko ang mga mukha niyang w

