TYZON POV Katatapos lang ng 9th fullmoon at nag-alisan na rin sila Sean. Ako na lang ang natira habang patuloy na pinagmamasdan ang buwan. Alam kong hinintay din nila Isabelle ang fullmoon upang makita ang pangitaing magaganap sa labanan. Kahit papaano ay masaya akong hindi man kami magkasama, nagkakasalubong parin ang aming mga mata sa pamamagitan ng pagtanaw sa buwan. Ang mundo ng bampira at lobo kailanman ay hindi maipagsasama at iyon ang katotohanan. Isang buwan na lang, muli kaming maghaharap sa huling pagkakataon. Patawin mo ako Isabelle, hindi ko pwede talikuran ang mga kalahi ko para sa isang maling pag-ibig. Pumasok na ako sa loob at kinuha ang isang book of vampires. Wala parin nakasulat ditong anumang propesiya na maaaring makatulong sa mangyayari. Lumapit sa akin si Sean

