"OKAY ka lang?" tanong ni Taransuke habang nakasakay sila sa taxi pauwi. Ilang minuto nang hindi umiimik si Kazumi simula nang umalis sila ng ospital. Umiling ito. "Talagang sinusubukan nila ang pasensya ko. Ngayon, pamilya ko na talaga ang sinaktan nila. Hinding-hindi ko na palalampasin ito." "Ano'ng pinaplano mo?" "Tapos na ako sa pagpaplano. Panahon na para isagawa lahat ng iyon." "Kazumi..." "Manong, balik tayo! Sa Hamizu street kami, sa Nagisa’s Corner," wika nito sa driver. Hindi niya alam kung ano ang binabalak nito pero masama ang kutob niya. Baka gumawa na naman ito ng maari nitong ikapahamak. Or worst, sumugod itong mag-isa sa Kugayama. "Pahiram ng cellphone," anito sa kanya. Agad naman niya itong inabot sa dalaga. May tinawagan ito. "Kuya! Nabalitaan mo na pala. Gusto kong

