MATAGAL nang wala sa paningin niya ang ina ni Yuki pero nakatingin pa rin siya sa pinto. Bigla na lamang niyang na-miss ang tunay niyang ina. Ever since tumira siya sa bahay na iyon, her dad never mentioned about her. Hindi rin masyadong nagkukwento ang mga tao sa bayan nila tungkol dito noong bata pa siya. Wala rin siyang naalalang nabanggit ng mga kamag-anak nila na naging kaibigan ng kanyang ina. It was as if talking about her was forbidden inside Miyagami Village or kahit sa buong bayan ng Kugayama. Muli siyang napabuntong-hininga. Ininom na niya ang gamot bago bumalik sa paghiga hanggang sa makatulog na nga siya ulit. Nagising siya sa tunog ng kanyang cellphone. Agad niya iyong sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Ako 'to." Hindi na nito kailangan pang magpakil

