Chapter 26

2452 Words

HINDI pa man oras ng pananghalian, nagpasya na si Misuke na umalis ng bahay. "Akiko-san, pwede bang ipahatid n'yo na lang kay Yumi ang uniform ko sa campus mamaya kapag natuyo na siya? May pupuntahan lang ako sandali tapos didiretso na ako school namin," bilin niya kay Akiko nang ipatawag niya ito at si Yumi sa kanyang kwarto pagkatapos niyang magbihis ng kanyang uniform na tinakpan ng kanyang paboritong hood dahil hindi pa tuyo ang kanyang jacket. "Sige po, Ma'am," sagot nito. Bumaling naman siya kay Yumi. Kinuha niya ang kanyang scarf na may logo ng Monshiro High at iniabot iyon dito. Hinawakan pa niya ang kamay nito ng dalawa niyang kamay. "Yumi, ingatan mo ito, ha? Ikaw na ang bahala sa uniform ko." Nagtataka itong napatingin sa kamay nila bago sa kanyang mga mata. "Yes, Miss," nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD