LUTANG pa rin ang isip ni Misuke habang naglalakad sa gilid ng Central Park. Kanina pa siya nakaalis sa restaurant ni Youji subalit hindi pa rin maalis sa isip niya ang mg sinabi nito. "Pagkatapos kang ipanganak ni Mizuki, iniwan ka niya sa akin. Ang sabi niya may aasikasuhin lang siya..." Nahinto ang kanyang pag-iisip nang bumangga siya sa isang matigas na bagay—hindi pader, hindi poste kundi... "Kenji?" Napaatras siya ng isang hakbang. "Misuke, okay ka lang?" nagtatakang tanong nito. All of a sudden, bumalik ang sigla niya. No, she was recharged, one hundred one percent full. "Oo, naman!" "Mukhang nag-iisa ka na naman. Hindi mo ba kasama ang mga kaklase mo? Ang kapatid mo?" kaswal na tanong nito. She behaved herself. "Kagagaling lang namin sa isang restaurant ng mga kaklase ko."

