"KAZUMI, ako 'to, si Youji," pamilyar na boses ng isang lalaki ang nagsalita mula likuran ni Kazumi. Kumalma siya. Inalis naman nito ang kamay sa baba niya. Nilingon niya ito. "Youji-san, ano'ng ginagawa n'yo rito?" nagtatakang tanong niya. "Ikaw ang dapat kong tanungin nyan. Hindi ka dapat gumagala nang basta-basta kahit saan." "Si Shinohara...Patay na si Detective Shinohara..." nanginginig na sabi niya rito. Nanlaki ang mga mata nito. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Matagal bago siya nakasagot. Maya-maya pa'y niyaya siya nito. "Halika, sumama ka sa akin," anito bago siya nito hinila at dinala sa isang lugar kung saan nakaparada ang isang motorbike. Pinaangkas siya nito. Tahimik naman siyang tumalima. Dinala siya nito sa bahay nito at pinaupo sa upuang nakapwesto sa mesang kadalasang ki

