KENJI! Nagimbal siya nang makita ang kaawa-awang hitsura nina Kenji at mga kaibigan nitong bugbog-sarado na ng mga miyembro ng Kubarashi gang. Nasa third floor ng abandonadong mall sa Iwashima Subway malapit sa Honaku Street ang hideout ng grupo. Medyo nahirapan pa siyang hanapin iyon. Mabuti na lang at tinawagan niya si Takumi na siyang naghatid sa kanya. Paglingon niya sa kaliwa'y nakita niya ang kanyang mga kaibigang babae na isa-isang nakatali ng lubid ang mga kamay. Napahinto ang mga kalaban sa ginagawa ng mga ito. Lahat ay napatingin sa kanya. Iginala niya ang paningin sa buong paligid. Apatnapu't tatlong katao ang miyembro ng gang na naroon. Dalawampu't limang ordinaryong gangster lang ang hitsura ang nambugbug kina Kenji, limang katulad din nila ang nakabantay kina Yuriko, at l

