"YURIKO!" Agad niyang nilapitan ang mga kaibigan nang pumasok siya sa klase kinahapunan. Balik na naman siya sa pagiging Misuke. "Misuke!" agad naman itong yumakap sa kanya. Pagkuwa'y kumalas din ito sa kanya. "Kinuha ng mama ang cellphone ko kaya naputol ang usapan natin." "Okay lang ba kayo? Hinanap ko kayo kung saan-saan pero hindi ko alam kung saan nila kayo dinala, kaya tinawagan ko si Yukipara humingi ng tulong sa kanya..." "Ligtas na kami nang dumating si Yuki. May tumulong sa amin," sagot naman ni Naruji. "Sina Kenji?" patay-malisyang tanong namin. "Oo, dumating sina Kenji pero hindi nila kinaya ang mga sindikatong iyon. Isang babaeng naka-hood ang dumating para tulungan kami," kwento nito. "Sinong babae?" "Hindi namin kilala. Nakatabon ang buhok niya sa mukha niya. Siguro

