VINCE Ilang sandali pa ang lumipas mula ng makakain ang anak ni Via ay nakatulog na rin muli ito. Mahabang sandali ring katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Bumalik ako sa mahabang sofa at pagod ko muling isinandal ang likuran roon. Muli kong pinikit ang aking mga mata, nanatili ako sa ganoong posesyon kahit pa nang maramdaman ko ang presensya ni Via sa tabi ko. Malalim na bumuntong hininga mula sa kanya ang unang bumasag sa mahabang katahimikang namagitan sa amin. "I'm so sorry, kung hindi ko sinabi sa'yo." ang kanyang panimula. Nanatili akong nakapikit. "Ito ba ang dahilan kung bakit putuloy mo akong hinihindian?" ang mahina kong tanong kasunod ng paghugot ko ng hangin mula sa aking dibdib. . Hindi siya nakaimik kaya muli akong nagsalita. "Don't ever underestimate

