Vince Dala ang isang bouquet ng bulaklak ay dali-dali ko itong hinanap sa kabuan ng penthouse ko pero hindi ko ito nakita. Medyo may pagtatalo ulit kaming naganap kagabi. Hindi ko maiwasang masaktan at makaramdam ng inis sa tuwing ipagtutulakan n'ya ako sa iba. I could see it, in her eyes that she's jealous and affected from that f*****g news interview with Roxanne. At sa halos isang taon na naming magkasama, kahit pa ilang ulit man n'yang itanggi, I feel it. I really feel it...That she likes me too... Alam ko at damang-dama ang mga titig n'ya sa akin sa tuwing hindi ako nakatingin sa kanya. Mga pagkakataong sinasadya kong hindi siya tingnan ngunit kitang-kita ko sa sulok ng aking mga mata na nakatitig lagi ito sa akin. At sa tuwing alam nitong babalingan ko siya ng tingin a

