Vince "Mukhang seryosong problema 'yan budz a," ang puna sa akin ni Noah habang tahimik akong umiinom. Napahugot ako ng malalim na paghinga at saka marahas rin na napabuga. "Wala lang 'to. Pagod lang." Ang mahina kong sabi at pagod na sinandal ang likod ko sa sofa kinauupuan ko. Nasa bar pa ako kasama si Noah. Kanina ay narito rin ang ibang kaibigan namin pero umuwi na rin sila. Nakaramdam ako bigla ng inggit sa dalawang kaibigan kong pawang may mga asawa at mga anak na. Si Matthew ay kasal na at may anak na. Gano'n rin naman si Kiel na tila nagkaroon ng kontentong mundo. Though, Carl is still hopelessly waiting for his wife, pinakauna itong kinasal at nag-asawa ngunit iniwan s'ya ni Ashley a years ago. Tanging ako, si Noah at Uno ang natatanging wala pa. Pero ako yata 'yon

