AMBER VIA "Pero sana naman kahit paano maalala mong sabihan ako kung kumusta ka ba roon. Kung ano ng nangyayari sa'yo. Kung hindi pa sinagot ng kapatid mo ang mga tawag ko baka sinundan na kita roon." Ang walang kabuhay-buhay nitong sabi. Madalas ang buntong hininga nito at alam kong nag-pipigil lamang ito ng inis sa akin. Kahapon ay sadya kong in-silent ang phone ko. Alam kong tatawag kase ito or magtetext. Alam na ni Vincent na sa Maynila ako ngayon naglalagi para mag-aral at magtrabaho. Ngunit hindi pa alam ni Vincent na kay Vince ako nagtratrabaho. Nakailang alok rin ito sa akin ng tulong pinasyal para sa pag-aaral ko't para sa mga bata ngunit tumanggi ako. Sa ngayon, sapat naman ang sweldo ko para sa mga gastusin namin at sa pag-aaral ni Edward. Nabanggit ko rito na mismon

