Someone's Third POV Nakatingin siya ngayon sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang dalawang pilat sa magkabila niyang pisngi. Marahan niyang hinahaplos ang mga ito dulot ng kanyang mapait na kahapon. Hindi niya nakakalimutan ang araw na 'yon na naging dahilan ng tuluyan pagkasira ng buhay niya dahil wala nang tumanggap sa kanyang kumpanya dahil napag-alaman nila na isa siyang naging kabit ng isang kilalang negosyante. Dahil din sa pilat sa kanyang magkabilang mukha ay hindi na siya makapasok sa mas disente pang trabaho dahil ang tingin na nila sa kanya ngayon ay isang babaeng wala nang gandang maipagmamalaki. Ang dati niyang maamong mukha ay nasira na dahil sa malalim na pilat, hindi niya lubos na matanggap na ganito ang kinahinatnan ng buhay niya ng dahil lang minsan siyang nagma

