(2) Someone's Third POV "Let's break up," sabi ni Troy sa kanyang nobya na labis naman nitong ikinagulat. "You're now breaking up with me?!" gulat at galit na tanong ni Franzelle kay Troy habang nanlalaki ang kanyang mga mata. "Yes," tipid na sagot ni Troy sa blangko niyang ekspresyon. "Dahil lang sa mga sinabi ng babaeng 'yon makikipag-hiwalay ka na sa 'kin? How could you!" bulyaw ni Franzelle kay Troy ngunit hindi ito natinag. "This is not about Chestine, this is all about your behavior at narinig mo ba ang sarili mo kanina? Proud ka pang isa ka sa naging bed warmer ng ex mo? Hindi ko lubos maisip na nagawa kitang patulan," diretsuhang sabi ni Troy na ikinaawang ng bibig nito. "Nagsisisi ka na ngayon? Samantalang kagabi pinigilan mo 'kong hiwalayan ka, tapos ngayon ito ka ngayon n

