Chapter 28 'Unveiled' Third Person's PoV "Happy birthday, Heaven." Bati sa kanya ng kanyang nanang Lilian pagkababa niya ng kusina. Tumango lang siya at naupo na sa tapat ng mesa. "Ang kuya po?" Kaswal na tanong niya bago kumagat sa bacon sandwich na hawak niya. "May emergency raw sa ospital. Babalik din siya agad. Anak, gusto mo bang maghanda ako kahit papano para—" Naputol ang matanda nang tumayo si Heaven. "Para saan nanang? Walang dapat i-celebrate sa araw na 'to." Ayaw man niyang maging bastos sa matandang labis niyang iginagalang ay hindi niya mapigilan. "Kung ayaw mo talaga anak, wala na akong magagawa." Pagsuko niya. "Pakisabi na lang po kay kuya na mauuna na ako." Tumango ang matanda at naglakad na si Heaven palabas ng kusina. Mabilis siyang sumakay sa kotse na pagmamay-a

