Chapter 27 'Her Birthday' Hell's POV "Hell, anak! Ano bang nangyayari sa iyo? Wala ka bang balak um-attend ng party?" Tanong ni daddy nang mahalatang hindi pa rin ako kumikilos para maghanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng hinihinalang prinsesa. "Gustuhin ko mang hindi pumunta, hindi maaari. Inaasahan ako ng alpha." Sabi ko at nagdiretso na ako sa bathroom ko at nagsimulang maligo. Hinayaan kong tamaan ng maligamgam na tubig ang katawan ko na nanggagling mula sa shower. May isang linggo na mula noong huling beses kong nakausap si Heaven. Nang tanungin ko si Fire kung kumusta ang pag-uusap nila ni Heaven, ang tanging sagot niya ay hindi nga raw niya nakumbinsi si Heaven. Damn! How much I missed her. Doesn't she miss me too? Nang matapos akong maligo ay mabilis lang akong nagbihis at u

