"Sigurado ka na ba talaga sa plano mong iyan, Vee?" Kung ilang beses na itinanong sa kanya ni Sky ang mga bagay na iyon ay hindi na niya mawari. Kasalukuyan silang nasa kuwarto kung saan siya naka - confine.
"Napag - isipan ko na itong mabuti, Sky. Hindi na mababago pa ang desisyon ko. I should set Derick free. Isa akong malaking balakid sa kanila ni Patty. I was so mean when I plotted to get Derick. Wala akong dapat ipaglaban. Hindi siya kailanman naging akin, in the first place." malungkot na tugon niya kay Sky. Nakita niyang napapailing na lang ang kaibigan.
"What if he discovers the truth? Malaking problema iyan Vee." nag - aalalang sabi pa ng kaibigan.
Nagkibit - balikat na lamang at seryosong tumingin siya kay Sky. "I'll cross the bridge when I get there. Sa ngayon, ang tanging mahalaga sa akin ay ang makawala sa sitwasyong ito. Ang mapalaya si Derick sa iniisip niyang obligasyon sa akin and enjoy what life has to offer him."
Napapailing na muling tinitigan siya ni Sky. "Sana ay noon mo pa inisip yan. Anyway, andiyan na yan. Ano pa nga bang magagawa natin? Sana'y hindi mo pagsisihan ang desisyon mong ito. Any minute ay parating na rin sina Tita at Tito, sobra silang nag - aalala sa iyo, will you tell them the truth?"
"Sa ngayon, hindi na muna. I'll just tell them once everything is settled. Gaya ng nasabi ko, we'll make them believe na nawala na ang baby ko. Sa gayon, aayon ang lahat sa plano ko. Ikaw na muna bahala sa D' Flavors at sa mga staff ha. I know, hindi mo sila pababayaan." Thinking things and people she will miss, ngayon pa lang ay nadudurog na ang puso niya. Ngunit hinihingi ng pagkakataon na lisanin niya ang mga bagay at lugar na makapagpa alala sa kanya kay Derick. Hindi siya makakapag move on kung patuloy niyang makikita ang mga ito.
"Okay then, I'll talk to my cousin. Siya na ang bahala sa lahat." ani Sky. Nang may dumating na nurse ay nagbilin muna ito bago siya pansamantalang iniwan upang kausapin ang pinsan nitong si Clark. Hanggang sa namalayan na lamang niya na hinila na siya ng matinding pagod at antok.
*************
Nakita ni Sky na humahangos papasok ng lobby ng hospital si Derick. Kanina pa nila nakausap ang mga magulang ni Venice. Kagaya ng inaasahan, matinding pagdadalamhati ang naramdaman ng mag - asawa. Bagaman gusto niyang maguilty sa sitwasyon, wala siyang magagawa kundi ang sundin ang kagustuhan ni Venice. Para ito sa ikatatahimik ng kanyang kaibigan, She promised her she will keep it a secret.
"Where is Venice?" niluwagan ni Derick ang kurbata upang mas makahinga nang maayos. Mababakas sa mukha nito ang matinding pag - aalala. Ngayon pa lang, halos naiimagine na niya ang magiging reaksiyon nito once na malaman nito ang sasabihin ni Clark. Noong una ay ayaw pumayag ng pinsan ngunit sa matinding pakiusap nila ni Venice ay napahinuhod nila ito. Matinding awa ang naramdaman nito sa kaibigan. Kung malalaman lamang ni Derick, malaking problema ang kahaharapin nila maging ng pinsan. Propesyon nito ang nakasalalay ngunit nadala ito sa pakiusap nila. Kilalang kilala niya ang ugali ni Clark kaya malakas ang loob nilang makiusap dito. Sadyang mababaw lang ang kalooban nito.
"Sky.." mukhang hindi na makapaghintay na ulit ni Derick.
"Nasa Room 302 siya Derick. Nakatulog siya dahil sa sobrang pagod. Halika, sasamahan na kita sa kaniya." aya niya kay Derick. Ngayon pa lang umuusal na siya ng matinding panalangin.
Saktong papalabas naman sana ng silid ang umiiyak na ina ni Venice. Mahigpit nitong niyakap ang kadarating lang na si Derick.
"Derick.." mahinang usal nito habang patuloy sa pag - iyak.
Nagugulumihanang tumingin sa kanya si Derick. Hindi niya matagalan ang tingin nito kung kaya't iniiwas niya ang mata dito at kaagad na lumapit sa kaibigang kasalukuyang natutulog.
"Ma.." nagtatanong ang tingin ni Derick sa biyenan.
"The baby is gone Derick." lalong lumakas ang pag - iyak ng ginang. Napatiim bagang naman ang ama ni Venice.
Derick was shocked. Namalayan na lang nila na pinagsusuntok ni Derick ang pader. Mabilis itong nilapitan at pinigilan ng ama ni Venice.
Nakita niyang tumulo ang luha ni Derick. Bakas ang pait at matinding pighati sa mukha nito. Naroon ang urge na sabihin sa mga ito ang katotohanan ngunit nang sulyapan niya ang kaibigan na walang kamalay - malay sa nangyayari sa paligid, pinigilan niya ang sarili niya. Alang - alang sa kaibigan.
'I'm sorry Derick.' bulong niya sa sarili.
***********
Napabuntunghininga ang kanyang ina at tahimik na lumuluha habang napailing na lamang ang kanyang ama. Kasalukuyan pa rin silang nasa hospital room kung saan siya nakaconfine at naghihintay kay Sky na nag aasikaso ng papel sa kanyang paglabas sa naturang hospital. Nang makaalis ang kaibigan, she told her parents about her plans. With Sky's help, nakahanda na lahat ng kanyang kailangang ihanda, mga mahahalagang documents, ticket at luggage. She asked Sky to book her a flight to Thailand. She decided to stay there kung saan naroroon ang kanyang Auntie Maye. Kapatid ito ng kanyang ama na nakapangasawa ng isang Thai.
"Mom, Dad.. sana maintindihan nyo ang dahilan ko. For so many years, I dreamed of being married to Derick. To be her loving wife. I did. I was supposed to be happy, right? Pero as long as nakikita ko na sinisira ng pagmamahal ko ang sanay maayos naming relasyon, ang maayos na buhay niya, It reminded me how selfish I was. Kung hindi ko hinadlangan ang mga plano niya, ang pagmamahalan nila ni Patty, masaya na sana sila ngayon. I've caused their heartaches, I've caused them misery. This time, I will make it right Mom, Dad. Kung ang tanging dahilan lang of making him stay is the idea of responsibility because of our child, hahayaan ko siyang isipin na wala na. He's free. I'm doing these to make him happy." walang kagatol - gatol na paliwanag niya sa mga magulang.
"Hindi pa rin tama ang ginawa mo Venice." madiing sabi ng ama. "Mabuting tao si Derick. He would be a good father. You don't know how much pain it caused him nang sabihin namin that you lost the baby. You lied. You lied not only to Derick but to the whole Almabis family. They are our family friends. Ano na lamang ang sasabihin nina Alfred at Maricel niyan kapag nalaman nila?" They were Mr. Alfred Leviste Almabis and Mrs. Maricel Cruz Almabis, Derick's parents. Mahihimigan sa boses ng ama ang galit.
"Gusto mong itago ang lahat ng ito Venice?" anang kanyang ina.
Marahan siyang tumango.
"You cannot keep the secret in a lifetime, Venice. There will come a time that they will learn about this."
"Dad, I'll just cross the bridge when I get there. Hindi mo naman sasabihin di ba, Dad? What they don't know won't hurt them. So please, Mom Dad, ibigay nyo na lang sa akin 'to."
Napahilamos na lamang sa mukha ng mga palad ang kanyang ama.
"I don't know what to do with you anymore, Venice Dione."