“Derick, wala ka na naman sa sarili mo. You spent one hour in reading or should I say staring on a certain page.”
Mula sa pagkakatungo sa papeles na binabasa ay napatunghay si Derick sa nagsalita. It was Wayde. Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin.
“Sa lahat ng bagong kasal, ikaw lang yata ang nakita kong nagkakaganyan. Dude, you were supposed to be in your house. It’s your honeymoon stage. Hindi mo dapat isiset aside ang family mo. Ang trabaho, nandiyan lang yan, ang family, kapag pinabayaan mo, hindi mo na namamalayan, unti – unti na palang nawawala sa’yo.”
Wayde's words strike straight into his heart like a dagger. Ibinaba niya ang binabasang mga papeles nang hindi inaalis ang mga mata sa kaibigan.
Ang totoo, isa sa mga dahilan kung bakit ginusto na niyang magpakasal sila ni Patty ay dahil nalilito na rin siya sa nararamdaman niya these few months, nang magsimulang maging busy si Venice sa trabaho nito at dumalang ang pagkikita nila, hindi niya maiwasang hanap – hanapin ang presence nito sa kanilang bahay, sa office niya, maging sa condo niya. Pinili niyang pakasalan na ang nobyang si Patty. They build dreams together. Marami na silang pinagsamahan. Safe pa ang friendship nila ni Venice sa pagkakasira if he crossed boundaries.
“You were just blinded and used to idea na kaibigan mo lang si Venice. But Dude, your actions speak otherwise. Actually, kayong dalawa. Hindi mo ba napapansin sa tuwing pumupunta siya rito? Sa tuwing magkasama kayo? Dude, you’re acting as a boyfriend gayundin si Venice. She’s acting as a possessive and dotting girlfriend. Kaya nga hindi ako makapaniwala nang sabihin mo na magpopropose ka na kay Patty. I assumed na isa lang siya sa mga flings mo. And this happened. Kung ikinasal man kayo ni Venice because Venice did the first move, let it go Dude. This time, ikaw naman. I know in your heart, si Venice ang isinisigaw niyan.”
Those words uttered by Wayde made him realized how fool he is. Kung hindi pa ipamumukha ni Wayde sa kanya iyon, hindi siya maliliwanagan sa mga bagay na dapat niyang gawin. Noong una, nagalit siya. Hindi niya matanggap na magagawa ni Venice ang ganoong bagay. Pakiramdam niya, pinaglaruan siya ng asawa sa mga sarili nitong palad sa whims and caprices nito. Gusto niya, kung magpapakasal man sila, it should be out of love. Hindi dahil para siyang isang challenge na kailangang mapanalunan nito. Mahal ba siyang talaga ni Venice at hindi isang challenge lang?
Well, it’s for him to find out.
**********
Buong araw siyang nagmumukmok sa kanyang silid. Hindi man lang inalala ng Derick na yan ang birthday niya. Ito na ang kauna – unahang pagkakataon na hindi siya binigyan nito ng Birthday Salubong Surprise. Ni text, tawag o personal message sa messenger ay hindi nito nagawa. Samantalang noon, ito ang kauna – unahan palaging bumabati sa kanya. Gone were the days kung saan inaalagaan siya nito. Pinoprotektahan upang hindi masaktan sa anumang aspeto.
Minabuti niyang abalahin ang sari sa pagbuo ng bagong recipe ng cake na maari niyang imarket sa D’ Flavors.
“For you.”
Mula sa ginagawa ay tiningala ni Venice ang may – ari ng mga kamay na nakahawak sa bouquet ng bulaklak.
Isang nakangiting Derick Almabis ang natunghayan niya. Wow! How she missed those smile?
“I’ll be away for a week. Make sure na inaalagaan mo ang sarili mo. Don’t skip meals and rest once in a while. Huwag kang masyadong magpapakapagod sa trabaho.” Seryosong bilin sa kanya ni Derick.
Parang may mga anghel na nag – awitan. Masarap sa pakiramdam na marinig ang concern sa boses ng asawa.
Well, not bad. It’s a good start.
*************
“Venice..” mahinang usal ni Derick ngunit nakaabot pa rin sa kanyang pandinig. Kasalukuyan siyang nagluluto ng kanilang almusal. Nakagawian na niyang ipagluto palagi ang asawa ng almusal at pabaunan ng pagkain upang hindi na ito magpadeliver sa opisina. Napakagaan niyang kumilos dahil batid niyang nagugustuhan ng asawa ang kanyang niluluto. Maging ang ipinababaon niya ay palaging nauubos ni Derick.
Bahagya siyang nagulat dahil buhos ang atensiyon niya sa ginagawa kanina.
Halos mapasinghap siya sa tanawing nakikita niya. What a hunk! Kahit pupungas – pungas pa ay sobrang hot at sexy pa rin ng kanyang asawa. A Greek God na bumaba mula sa Olympus.
“Hi!” bati niya rito. Lumapit ito sa kanya at sinilip ang kanyang niluluto.
“Maaga pa. Why don’t you sleep at hayaan ang pagluluto sa katiwala?” tanong ng inaantok pang si Derick.
“I’m an early riser, remember? Sanay na ako sa ganitong habitual routine ko. Besides, mas gusto ko na ako ang personal na nagluluto ng pagkain mo.” Aniya sa masiglang tinig.
Nang marinig ang katagang iyon mula sa kanya, biglang nag – iba ang mood ni Derick. “Acting like a good wife huh?” Natigilan siya sa nakitang coldness at ekspresyon ng mukha ng asawa.
Dumaan na ito sa kanyang likuran upang tumungo sa water dispenser. Kumuha ito ng tubig at uminom.
“Pagkatapos mo diyan, take a nap. Baka makasama sa anak ko kapag kulang ka sa tulog.”
Iyon lang at tuluyan na siyang iniwan ni Derick sa kusina. Anak ko. Marahil dahil lang sa bata kung kaya’t nagagawa pa ni Derick na magmalasakit sa kanya.Simula nang mangyari yun, hindi na bumalik sa dating pagtrato sa kanya ang asawa. At tuwing malamig ang pakikitungo sa kanya ni Derick, parang unti – unting nililipad nito ang kakarampot na pag – asa sa puso niya na mamahalin din siya nito sa paraang inaasam niya.
**********
Dahil nakalimutan ni Derick ang cellphone nito sa dining table, ipinasya ni Venice na isunod ito sa asawa. Baka sakaling may mga important messages at calls na kailangan nitong tugunan. Agad siyang nag – ayos ng sarili at tinahak ang daan patungo sa mother company nito. Dahil kilala na ng mga guards ang kanyang sasakyan ay agad siyang pinapasok ng mga ito. Ipinarada niya ang sasakyan . Inayos muna niya ang sarili bago nagtungo sa opisina ni Derick.
Kumatok siya sa pintuan ngunit walang nagbubukas. Sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pintuan at suwerte namang hindi ito naka lock. Sa narinig na ungol ay bigla siyang inalihan ng kaba.
“I want you back Derick. I can’t imagine life without you.”
Hindi siya maaaring magkamali, boses ni Patty ang naririnig niya. Mula sa siwang ay nakita niyang nakayakap si Patty at humahalik sa kanyang asawa.
Parang dinaklot ang kanyang puso sa nakita’t narinig. Kakapit pa rin ba siya sa kakarampot na pag – asa sa puso niya? Sobrang sakit na. May mas sasakit pa pala sa araw – araw na pambabalewala ng asawa. Iyong makita ng sarili mong mga mata ang masakit na katotohanan na hindi madaling kalaban ang tunay na isinisigaw ng puso. Si Patty pa rin. Ito na ba ng karma niya sa pang – aagaw niya mula rito sa asawa? Sa kuwentong ito, sila ang bida. Siya ang makasarili at tanging inisip na ipaglaban ang hindi naman dapat.
Mabilis siyang tumalikod at tumalilis. Kung saan siya dalhin ng paa niya, bahala na. Hilam ang kanyang mata sa luha. Mataman niyang tinitigan ang reflection niya sa salamin ng sasakyan. Hindi niya kayang magpanggap na okay siya. Kailangan niyang lumayo at pumunta sa lugar kung saan kaya niyang isigaw ang dinadalang bigat sa dibdib.
Nasa ganun siyang estado at pag – iisip nang biglang tumunog ang cellphone ni Derick.
‘Gibson calling.’
Sa pagkuha sa cellphone ay hindi sinasadyang nahulog ito sa ilalim. Hindi pa rin tumitigil sa pag ring ang cellphone. The call must really be important. Pinilit niyang kuhanin ang cellphone. Sa kanyang muling pag-ayos ng puwesto, noon niya namalayan, siya na pala ang tinutumbok ng truck na mukhang nawalan ng preno!
****************