"You may now kiss the bride." anang officiating Priest sa mga bagong kasal na sina Venice Dione at Derick.
Isang mabining halik ang iginawad ni Derick sa kanya. Dampi lang iyon at mariin. Inalihan ng kaba si Venice dahil doon. Nang tignan niya si Derick ay wala siyang mabasang emosyon mula roon. He is cold and distant.
She knew she made a mistake nang gumawa siya ng evil plot upang makuha si Derick. And now that she succeeded, she will face all the consequences. Bahala na. Mahaba pa ang kanilang pagsasamahan, siguro naman magagawa niyang mapaibig ang asawa, after all he used to be fond of her, sa ibang paraan nga lamang.
Malakas na palakpakan ang pumukaw sa kanyang atensiyon. Maya - maya ay nagsilapitan na sa kanila ang mga kamag - anak at ilang mga bisita upang batiin sila. She could see happiness on their faces habang ang kanyang asawa naman ay animo'y nasa isang business event.
"Anak, dumalaw kayo palagi sa bahay ha. Mamimiss ko ang ngiti at yakap mo tuwing umaga." anang kaniyang ina na nangingilid ang luha.
Niyakap niya ang ina. "Mom, opo naman. Dadalaw po kami ni Derick." Tumingin siya sa asawa na bahagyang tumango.
Tinapik ng kanyang ama si Derick. "Bagaman alam ko kung paano mo alagaan ang akin anak, ihahabilin ko pa rin sa iyo. Inagatan mo siya, Derick.Kung dumating man ang punto na may hindi kayo pagkakaunawaan, maari kayong lumapit sa amin ng Mommy ninyo."
"Yes, Tito." tumango naman si Derick.
Umiling ang kanyang ama. "Daddy, mula sa araw na ito, maaari mo na akong tawaging Daddy."
"Sige po, Daddy." tugon naman agad ni Derick sa kanyang ama.
Nasisiyahang tumango - tango ang kanyang ama.
Maya - maya pa ay lumapit na sa kanila ang wedding coordinator at inakay sila patungo sa entrada ng reception hall. Masaya namang nairaos ang kanilang kasal. Nang matapos ang programa, agad nagsalu - salo ang lahat.
"Venice.." mabining tawag sa kanya ni Sky. May pag- aalinlangan sa mga mata nito. Mahigpit siyang niyakap ng kaibigan. "I hope you know what you're doing. Basta, always remember, nandito lang ako para sa iyo. Hangad ko ang iyong kaligayahan, friend."
Naluluhang ginantihan niya nang mahigpit na yakap ang kaibigan. "Thanks Sky."
***********
"We're not going to sleep in one room?" agad na lumingon sa kanya ang asawa nang sabihin niya ang kuwartong nakalaan na para dito sa kanilang bahay.
Matagal bago siya nakatugon. Nang itanong iyon sa kanya ni Venice, hindi niya alam ang kanyang itutugon. Oo, naroon ang galit sa dating kaibigan, na asawa na niya ngayon sa ginawa nito. How could she ruin his relationship with Patty with an evil plot? He did not expect it from her. Of all people. Hindi pa rin niya magawang ipahiya ang asawa sa kabila ng ginawa nito.
"Let's be honest Venice. We both knew that we don't love each other in a romantic way. I want you to understand that this marriage will not change anything. I will give you the freedom to choose to decide for your own like." hindi niya maiwasang mapabuntunhininga nang mapansin ang paglamlam ng mata ng asawa. Hindi siya sanay sa ganito. Dati - rati, masaya silang nagkukulitan. But look at them now, sa isang iglap ay biglang nag - iba ang ihip ng hangin.
"But.." may sasabihin pa sana ang asawa ngunit mukhang nagbago ang isip.
"Look, we're tired and need some rest. Get inside your room and sleep."
Marahang tumango na lamang si Venice at agad na pumasok sa silid hila ang sariling maleta.
'Blaggggg! Malakas na kalabog ng pinto nang pabalagbag itong isang isara ng asawa.
Napailing na lamang si Derick. Kailangan talaga niyang turuan ng leksiyon at putulin ang sungay ng asawa.
'Welcome to hell!'
************
Tinatanaw ng tingin ni Venice ang buong view ng garden mula sa kinatayuang terrace. Halos magdadalawang oras na siya doon ngunit hindi niya alintana ang lamig ng panahon. Kasing lamig ng pakikitungo sa kanya ni Derick. A memory of their old days keeps coming back to her mind. Mabuti pa noong magkaibigan pa lamang sila. He's caring, thoughtful and tolerates her sa anumang iungot niya dito.
Hindi na niya binuksan ang ilaw sa terrace. Maliwanag naman ang buwan na siyang tumatanglaw sa buong paligid. Tinignan niya ang buwan na lalong nagpadagdag ng kahunkagan na kanyang nararamdaman. Parang si Derick lang. Napakahirap paibigin at abutin. Tatlong araw na silang kasal pero mula nang araw na iyon ay halos hindi sila nagkikita ng asawa. Kapag gigising siya sa umaga ay nakaalis na ito. Sa gabi naman, dahil sa kanyang kalagayan, tinatalo siya ng antok sa paghihintay dito. Makakatulog siya sa salas o sa dining sa paghihintay dito. Magigising na lamang siya na nasa kama na sa kanyang silid. Kung si Derick man ang bumuhat sa kanya patungo sa silid, hindi na niya alam.
"Hinihintay mo na naman siya."
Nang lingunin niya ang may - ari ng pamilyar na tinig, pinilit niyang itago ang lungkot sa mukha.
"Sky! Nagpasabi ka sana na darating ka." aniya sa kaibigan at agad na yumakap dito.
Sa sandaling naghiwalay sila ay seryosong nakatingin ito sa kanyang mukha na wari'y isang science specimen na pinag - aaralan.
"Dinala ko lang itong mga papers na pipirmahan mo. Pero secondary reason na lamang yan. I'm here to look after you. Honeymoon nyo pero nasaan si Derick. He should be here." may pang uusig sa tinig nito.
Nang bumalatay ang sakit sa kanyang magandang mukha, bahagyang natigilan si Sky.
Nailing na lamang ito. "I'm sorry Vee. Naiinis lang kasi ako. Oo, andun na ako sa point na he was just obliged with the marriage pero huwag naman sana ipamukha pa. Can't he stay for a while? Kahit ilang araw lang."
"Please Sky." iyon na lamang ang tangi niyang nasabi sa kaibigan kahit ang totoo, maraming tanong ang nagsasalimbayan sa kanyang isip.
'Matutunan ba niya akong mahalin?'
'Mahirap ba akong mahalin?'
'Hanggang kailan ganito ang sitwasyon?'
Nakakaunawang tumango na lang ang kaibigan at iniabot sa kanya ang mga dala nitong folders.