Chapter 11

529 Words
Haggardo Versoza ang peg ng bride - to - be. Kahit sabihin pang mayroon naman silang wedding coordinator, mas pinili ni Venice na maging hands on sa kanilang kasal. Minsan lang ikakasal ang isang babae kung kaya't gusto niyang maging memorable iyon sa kanya. Ginampanan niyang lahat mula sa pagbusisi sa tema ng kasal, she wanted the event to be solemn, sa pagpapagawa ng invitations, souvenirs, tokens o give - aways, sa receptions, foods and up to sponsors attire. Sa lahat ng iyon, puro pag sang - ayon na lang ang nakuha niya from Derick. He never suggested anything. Dapat ay nagsasaya na siya ngunit mas higit ang pagkalito. Something happened to them, yes. Pero duda siyang sapat na iyon upang makuha niya ang pagmamahal ni Derick. For past years, naramdaman niya ang pagmamahal sa kanya ni Derick. But that was platonic. Noong nakaraang gabi, naramdaman niya ang pag-aalala at pag-aalaga nito sa kanya when she felt one of the most common symptoms of pregnancy, vomiting in front of him. He caressed her and help her out and even hugged her. Buong akala niya, nakita na siya ni Derick in a different way. That she is a desirable woman. And now this, he showed he is not interested with their wedding. Assumera lang ba talaga siya? Just right on cue, narinig niyang tumunog ang cellphone niya tanda na may dumating na mensahe. As she saw Derick's name appeared in the screen, dali - dali niya itong binasa. 'Get ready. I'll fetch you up by 9:00.' Today is their wedding gown and suit fitting. Their wedding attire was made by RC, one of the best designers in town. Excited na pumili ng maisusuot si Venice para sa date nila ni Derick. She also applied light make-up on her face. She made sure that she will always look pretty in Dericks' eyes. Nang makuntento ay tinapos na ni Venice ang pagmimake- up ng sarili. Nasa ganoon siyang estado nang may kumatok sa pinto. "Mam Venice, pinatatawag na po kayo ni Senyora, naghihintay na po sa inyo sa baba ang sundo ninyo" sabi ni Ate Helen. Binuksan niya ang pintuan ng kanyang silid at tumambad sa kaniya ang kasambahay. "Pakisabi na lang po na bababa na po ako." "Sige po, Mam Venice." iyon lang at bumaba na ng ng kabahayan si Ate Helen. Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. Inhale. Exhale. You can do this girl! Pampalakas niya ng loob sa sarili. Inihanda niya ang pinakamaganda at pinakamatamis niyang ngiti para sa kanyang groom-to-be. Para madismaya niya sa kanyang nadatnan sa salas. "Mang Bert? Bakit po kayo ang narito? Nasaan po si Derick?" Tinapunan niya ito ng nagtatanong na tingin. "Mam Venice, aalis na po tayo. Sabi po ni Sir Derick, mauna na po kayo sa RC Bridal Boutique. May dumating lang po investors. Susunod na lamang daw po siya sa atin." magalang na sagot ng family driver ng mga Almabis. Tumango na lamang siya bagamat naroon ang bigat ng dibdib at masamang pakiramdam. "Sige po, lumakad na po tayo. Mahirap na pong abutan tayo ng matinding traffic sa daan." Yaya niya sa matanda na agad namang tumalima sa kanya. ************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD