Chapter 7

584 Words
Venice waited for Derick. Umasa siyang babalik ito upang makipag usap sa kanya. But he did not come back. Assuming lang siya. Ang akala niya babalik si Derick para makapag - usap sila nang maayos kapag hindi na ito galit. Noong araw na iyon umiyak lang siya nang umiyak maghapon. She felt so helpless. B*tch na kung b*tch. Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan upang hindi matuloy ang kasal nina Patty at Derick. Ngunit ang kapalit nito ay ang tikisin siya ng binata. Dati - rati, he always check on her lalo na kapag alam nitong mayroon siyang dinaramdam. And as to her condition right now, maiku consider na rin siyang may sakit. Pero it's been two days already since he left. Hanggang ngayon ni anino ng binata ay hindi nagpapakita sa kanya. He never texted or call her like he used to. Nakatulala siya habang nakaharap sa kanyang laptop. Two days na rin siyang hindi nagpapakita sa D' Flavors. Lahat ng maaaring gawin sa bahay sa bahay na niya trinatrabaho. Work from home muna ng peg niya habang wala pa rin siyang mukhang ihaharap kay Sky. She felt so low and guilty sa ginawa niya. Sigurado siyang makukutusan siya ni Sky pag nagkataon. "Venice.." Speaking of Sky, heto at may dalang milktea for her. Bumuntunghininga ito at umupo sa tabi niya. Hinaplos haplos nito ang kanyang buhok. "It's okay not to be okay sometimes. I'm here to listen, Venice. I'm your sister, remember?" Hearing those words from Sky, tuluyan na siyang bumigay at hindi na niya napigilang humaguhol sa mga balikat nito. She thought Sky will get mad at her. But she didn't. She choose to understand her foolishness. Hinaplos haplos nito ang kanyang likuran. "Okay lang. Sige Ven, iiyak mo iyan nang iiyak. Then tomorrow, you'll not cry anymore. Ubos na ang luha. Isang panibagong Venice Dionne. You will get up, eat, go out and live normally, live anew like a strong woman you are." ********** Natagpuan ni Venice Dionne ang kanyang sarili sa harap ng condo ni Derick. She tried to get inside his place ngunit iba na ang passcode. Oh, she get the message. Pinutol na ni Derick ang friendship na mayroon sila. Ayaw nitong makipagkita at makipagusap sa kaniya. Pero hindi rin niya masisisi si Derick. He's been hurt. At iyon ay dahil sa kagagawan niya just to get him. Nagawa nga niyang paghiwalayin sina Derick at Patty ngunit hindi rin siya masaya sa kaalamang nasasaktan si Derick ngayon. And it's all because of her. Sabi nga ni Derick, a scheming b*tch. "Hey.." narinig niyang bati ng bagong dati. Kilala niya ito. Si Axl Brent Cortez. One of the best actors in the country. Katabi ng unit nito ang unit ni Derick. Pilit ang ngiting kumaway lamang siya kay Axl. "You're looking for your friend? Ang alam ko nasa loob pa siya ng unit niya. He looked wasted last night. Hindi ko lang matanong at mukhang mainit ang ulo eh. Nag - away ba kayo" Oppss, tolits. Kapartner ni Maritess. "Oh, don't get me wrong. I just wanna help." anito na wari'y nabasa nag tumatakbo sa isip niya. Naguilty naman agad siya sa biglang pumasok sa isip niya gayung concern lang ang tao. "Paano mo ako matutulungang kausapin siya? Tell me." she asked desperately. Tumango at ngumiti si Axl. "I'll ask him out. That way magkikita kayo sa labas. Magkakaroon kayo ng chance to talk about your unresolved issues." Naluluhang nagpasalamat siya kay Axl. Sana pumayag, cross finger!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD