Chapter 6

563 Words
Mabilis siyang lumabas mula sa comfort room. Naroon sa salas si Derick habang umiinom ng inihanda niyang wine. Inimbitahan niya ito sa condo upang aniya'y icelebrate nila ang expansion ng D' Flavors. Kinakabahan man ay pilit niyang pinakakalma ang sarili. 'Kaya mo yan girl. Now or never.' Nang lapitan niya si Derick ay napansin niyang tinatablan na ito ng espiritu ng alak. Bagaman nakainom ay hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan nito. That made her more convinced that what she's doing is right. She sat beside Derick. She moved closer. "Dy, maganda ba ako?" she asked. Tumingin sa kanya si Derick. "Yes, sweetie. Why did you ask?" "How much do you love me?" she's starting it. And if he only knew how her muscles tremble in tension. Sa lapit ng distansiya ng kanilang mga mukha, Venice suddenly felt the urge to kiss Derick. And she did! Sa gulat marahil ni Derick ay hindi agad ito nakahuma. Maya maya ay naramdaman niyang kumalas ito sa kanya. Titig na titig ito sa mukha niya. She unconciously licked her lower lip. Namalayan na lamang niya na lumapat ang labi ni Derick sa labi niya. She closed her eyes and feel the moment. It was then she was carried by Derick all the way to her room. ************ "What's the meaning of this!?!" naghihisteryang sigaw ni Patty ang gumising sa patulog na sanang diwa niya. Of course, she knew it. She knew this will happen as part of the plan. Gumamit siya ng dummy account to privately send Patty a message that Derick's with her the whole night. She even sent her the condo's passcode. She reminded herself to change it later. Para namang animo'y nagising mula sa hipnotismo si Derick nang salitang tumingin sa kanya at kay Patty. Bigla itong napatayo dahilan upang mahulog ang kumot na nakatakip dito. "What the.." halos hindi na nagawang ituloy ni Patty ang sasabihin. It's obvious. Kahit sinong makakita sa kanila ay malalaman kung ano talaga ang nangyari. "P-patty." mabilis na ibinalabal ni Derrick sa katawan ang kumot. Hahawakan sana nito ang kamay ni Patty ngunit iwinasiwas ito ni Patty sa pag - iwas at wari'y ayaw magpahawak kay Derick. "Don't ever come near me again! Ever! You asshole!" iyon lang at mabilis na umalis si Patty sa silid. "Sh*t!" she heard him curse. Hinawakan niya sa balikat si Derick. Mabilis nitong ipiniksi ang sarili at matalim na tumingin sa kanya. "You disappointed me Venice. What happened to that sweet and innocent Venice I know. I thought you're my friend. How did you come this far? You deliberately did it. You scheming b*tch!" Tumalikod ito sa kanya upang pulutin ang mga nagkalat na damit sa sahig. Mabilis itong nagbihis, kinuha ang susi sa side table and slammed the door. Nakakabingi. Ngunit mas nakakabingi marahil ang lakas ng t***k ng kanyang puso.The moment he closed the door and left, hindi lang katawan ni Venice ang nasasaktan. Her body's sore ngunit maging ang puso niya ay nasasaktan.Hindi niya magawang kumilos kahit utusan ng isip niya ang sariling kumilos at bumangon na. Wari'y namamanhid ang buong katawan niya, ang buong pagkatao niya. Pakiramdam niya'y durog na durog na siya. Sobrang sakit na. Anong mali sa kanya? Bakit ayaw pa rin ni Derick sa kanya? Si Patty pa rin hanggang sa huli. Si Patty pa rin nagma may - ari ng puso ni Derick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD