"Hoy!" malakas na untag sa kanya ng kaibigan sabay tapik sa kanyang balikat. Naiiling pa itong nakatingin sa kanya. "Para kang baliw. Anong nginingiti ngiti mong mag isa diyan?"
Nangingislap ang matang tinignan niyang muli ang nakasulat sa text message ni Derick sa kanya.
"Girl! Look, he's asking me out tonight." Hindi pa man ay excited na siya na pumunta sa Almabis Grill and Pasta Bistro kung saan ang nakababatang kapatid ni Derick na si Gibson ang Manager and Main Chef at the same time. Ani Derick, nakapagpareserve na ito roon.
Hindi maiwasang naitirik ni Sky ang mata at napailing. "Go, girl and chase for your dreams, hahaha, for what, almost time immemorial."
Napalabi siya sa narinig kay Sky. Kahit kailan talaga, napaka nega nito pagdating sa kanila ni Derick. "Grabe ka naman, Girl. Huwag ka ngang killjoy diyan. Wala bang mas titibay pang support system diyan?"
"Alam mo, ang tawag diyan, pagpapakatanga. To superlative degree with exclamation point"
Natigilan siya sa pagtipa sa cellphone ng irereply kay Derick. "Ouch! Hindi ka naman nakakasakit niyan Sky."
Mukha namang nakonsensiya si Sky. "Hays, Venice.. I'm just waking you up from dreaming. Ilang beses ka pa bang kakatok sa condo ko at iiyak sa tuwing may bagong girlfriend si Derick? Hindi ba't girlfriend niya ngayon si Patty Benitez, the Asia's Top Model. And you cried a river dahil sa disappointment mo, diyan sa kabiguan mo kay Derick. Don't you think it's too much. It's time to move forward and look for your own prince, girl."
Naglalambing na yumakap siya kay Sky. "Not this time, Sky. I can feel it. He told me it's important. Kailangan niya ako ngayon. I'm sure they broke up already just like before. I knew him so well, Sky."
Natawa na lamang sa kanya si Sky, halatang hindi kumbinsido sa sinasabi niya. "Sabi mo eh. Just don't knock on my door crying once again for those same reasons."
**********
Muling sinipat ni Venice Dionne ang sarili sa salamin ng ladies restroom bago kuntentong pinalis ang hibla ng buhok na naligaw sa harapan ng mukha.
'There, Venice, you've got a pretty face. Derick will pay his full attention.' pampalakas ng loob na sabi niya sa kaniyang sarili.
Ilang sandali pa bago niya napagpasiyahang lumabas ng ladies restroom. Hinanap niya ang reserved table na nabanggit kanina sa kaniya ni Derick para sa kanila. Nang maispatan niya ang nasabing puwesto ay agad na siyang lumapit na umupo roon. As usual, nauna na naman siya sa venue, knowing Derick and his busy schedule.
"Hello there!"
Agad niyang nilingon ang may - ari ng boses at awtomatikong napangiti. It was Gibson, Dericks' younger brother who was equally gorgeous as his brother. Kung nagbibilang ng girlfriend si Derick, mas lalong higit ang nakababatang kapatid. Mas malala pa nga kung tutuusin. Halos natatawa na lamang siya sa tuwing naaalala ang ilang eksena na kinasasangkutan nito dahil sa pagiging palikero nito.
Mabilis itong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Where did you hibernate these past few days Venice? Nami miss ka na namin sa bahay. Mommy's asking Kuya about you. He just shrugged his shoulder and says you're too busy whenever we ask him about you."
Napatango naman siya sa sinabi ni Gibson. "Yeah, medyo naging busy lang ako sa D' Flavors. Alam mo na just opened another branch in Batangas."
Kumislap ang mata ni Gibson with amusement. "That's great." Humila ito ng silya at umupo sa tabi niya. "You know, we're always proud of you. We knew you'll go places. Whenever you need our help, feel free to ask."
Tumaba ang puso niya sa narinig. Almabis has always been a family. They never treated her differently. Their home was also her home.
"I know. Thanks Gibs. Ikaw, kumusta ka na? May bago ka na naman sigurong Flavor of the Month ano? Sino naman this time ang kawawang babae?"
Napakamot naman ito sa ulo. "Ouch, sakit naman nun Venice." OA na sabi nito sabay tutop sa dibdib.
Natatawang napailing na lang siya. "You know what, hindi dapat si Kristel ang artista dito eh, ikaw pa dapat yun. Ang OA mo."
"Hahaha, actually you've given me a bright idea. Masubukan nga." natatawa nitong sabi sa kanya.
Marami pa silang napag usapan. Natigil lang nang tawagin si Gibson ng staff nito upang sabihin na may mahalagang telephone call ito sa opisina. Magalang namang nagpaalam ang binata sa kanya.
Muli niyang sinipat ang suot na wristwatch. It's was already 8:27 in the evening. Bakit wala pa rin si Derick? It was unusual of him. Mostly malate man ito ay 10 - 15 minutes but later than that, hindi pa nagyayari yun. Ngayon lang.
Ilang sandali pa ang pinalipas niya. Tumayo na siya at magpapaalam na sana kay Gibson nang makita niya ang humahangos na si Derick. Nakahinga siya nang maluwag nang makita ito. Matamis siyang ngumiti sa kaibigan. Agad itong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"I'm sorry sweetie, I'm late." apologetic na sabi nito sa kanya.
"Like you used to. But now you're super late." kunwari'y asik niya sa kaibigan. She can never hate him. "What took you so long? And ano ba itong mahalaga mong sasabihin?" Sunud - sunod na tanong niya sa kaibigan.
"Why don't we eat first? Naitawag ko na kay Gibson ang foods natin. Your favorite foods as usual. Kilala ko ang tummy mo. Kailangang full tank or else magti take home ka pa. Baka isumbong mo pa ako kay Tita na ginutom kita." pambubuska nito sa kanya.
"Why so naughty naman Derick?" sabi na lamang niya bagaman alam naman niya na may bahid ng katotohan ang sinabi nito. Unlike other girls, malakas talaga siyang kumain. Mabilis lang talaga metabolism niya kaya hindi siya madaling tumaba. Excited na rin siyang kumain dahil talagang masasarap ang pagkain at magagaling ang chef dito lalo na si Gibson. Besides gutom na rin talaga siya. Sa sobrang excited ay maaga talaga siyang dumating sa Almabis Grill and Pasta Bistro.
Ilang sandali pa ay nakita niya ang nakangiting si Gibson dala ang mga pagkain for them.
"Almabis Grill and Pasta Bistros' specialty for a very special lady." anito then winked at her and signed thumbs up to Derick.
Is it a sign? Lalong lumakas ang t***k ng puso niya. From there, maganang kumain ng hapunan si Venice. Hindi pa man excited na siyang marinig ang sasabihin ni Derick.
Cross-finger.