Akala ko sa'yo natagpuan
Pag-ibig na walang hanggan
Ang ating pagsasama
Pinaglaruan ng tadhana
Nagmahal ka ng iba
Iniwan mo akong mag isa
Hindi ko maturuan ang pusong
'Wag magmahal ng tapat sa'yo
Kahit pa, ako'y bahagi na lamang,
Ng nakaraan mo ohhh
Andito lang ako sa'yo
Hanggang kailan aasa?
Hanggang kailan magdurusa?
Hanggang kailan?
Hanggang kailan?
Hanggang kailan aasa?
Hanggang kailan magdurusa?
Hanggang kailan?
Hanggang kailan?
Nanlalabo ang paningin sa luhang patuloy na bumabalong sa kanyang mga mata.
'Grabe naman ito. Kanta pa talaga ni Michael Pangilinan ang tinugtog sa bar. Masyadong mapanakit, teh!
Maingat na pinahid niya ito ng mga kamay. Kailangan niya ng hangin. Baka bumara na ang labis na sama at sakit ng loob sa kanya at tuluyan na siyang hindi makahinga.
Wasted. Wasak na wasak ang feelings niya. Akala niya sanay na siya na may ibang babaeng pinag uukulan nang pansin si Derick. Pero ibang usapin ngayon - he wants to propose to Patty! All the while umasa siya na sa break up din ang tungo ng relasyon ng dalawa pero isang nakabibinging balita ang hatid nito sa kanya kanina.
Tinungga ni Venice ang alak na hawak niya. Dinukot niya ang smartphone sa kanyang bulsa. Matagal niyang tinitigan ang larawan ni Derick na siyang home screen saver at lock screen saver picture ng cellphone niya.
"Bakit ba hindi mo ako magawang mahalin? Ano ba ang meron ang Patty na yan na wala ako?" Himutok ni Venice habang patuloy sa pagtungga ng alak. "Bata pa tayo mahal na kita. Matagal kong inalagaan ang damdamin ko sa iyo. I was there in your ups and downs. When we were in our Junior Year in High School, akala ko ako ang aayain mong partner sa Prom night. When you told me you asked Trisha, hindi mo lang alam kung gaano kasakit ang naramdaman ko. But I was happy seeing you happy. Pero hindi ko naiwasan, sobrang nasaktan pa rin ako. Even if Kenneth asked me to be his Prom date, hindi na lang ako umattend. The worst part is that I was still wishing you'd ask me. But it never happen kasi pumayag si Trisha to be your date that night. And that very same date, naging kayo pa ni Trisha. That was my first heartache."
Parang tanga lang na patuloy na kinakausap niya ang larawan ni Derick.
"Isha pha.. isha pa!" sigaw niya sa bartender na kaharap niya. Gusto pa niyang lunurin ang sarili at hayaang makalimot sa lahat ng napag - usapan nila kanina ng kaibigan.
Sa nanlalabo niyang diwa ay nakita niya itong umiling - iling ang bartender sa kanya.
"Eh Ma'am lasing na po kayo." magalang na sabi nito sa kanya.
"Shhhhh." Iwinasiwas niya ang kamay sa hangin. "Jussh give mhe mhoree.. Mhag hik babayad namhan akhoh hik.."
Kakamot kamot itong umalis sa harap niya at pagbalik ay may dala nang muli ng bote ng alak na hinihingi niya. Napatingin siya sa ilang pares na nasa dance floor ng bar. Napapailing na lamang siya sa scenario.
"Bhuti pa shila.. may lovelife hik.. Shana all!"
'Derick, bhakit? Hano bang mheron hikk ang payatot nha yun na wala sa akin.' atungal na parang bata ni Venice.
'Ibinigay ko naman lahat. Bakit?'
************
'Damn! Venice's not answering my call.'
Paroo't parito sa paglalakad sa salas si Derick. Naiirita namang tinapunan siya ng tingin ni Gibson.
"What's wrong with you? Kanina ka pa hindi mapakali diyan. Nag - away ba kayo ni Patty? tanong ng nakababatang kapatid sa kanya.
Umiling lamang siya at muling sinubukang tawagan si Venice. Kagaya kanina ring lang ng ring ang cellphone ng kaibigan.
"Hindi naman pala eh. Bakit nagkakaganyan ka?"
Napabuntung - hininga siya at hinarap si Gibson. "Venice not answering my call."
Napapalatak si Gibson. "Yun lang pala eh. Baka naman busy lang yung tao o baka naman tulog na."
Hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Gibson. Kagagaling lang niya sa condo unit ni Venice. And since he knew the passcode, he was able to check inside. Wala pa ang kaibigan doon.
Hindi naging maganda ang kinalabasan ng pag-uusap nila kanina.Hindi pabor ang dalaga sa plano niyang pagpopropose ng kasal kay Patty. Nagtampo siya ganun din ang dalaga sa kanya.
Gayunpaman sa kabila ng tampo niya, hindi niya maiwasang hindi mag alala dito. Saan ba kasi ito nagsuot at this hour?
***********
Malakas ng ringtone ng kanyang cellphone ang pumigil sa kanyang pagbubukas sana ng laptop. He tapped accept call icon. Ilang sandali pa ang hinintay niya bago niya narinig ang boses ng sa kabilang linya.
"Hello."
"Hik Dherhick, mhy besstttttfrienddd." Boses pa lamang ay batid niyang lasing ang kaibigan.
"W-what the hell? Venice! Where are you? Stay there. Puntahan kita kung nasaan ka man. Tell me."
Humihikbi itong sumagot sa kanya. "Whhy dho you asssk, hik? Ash if yhou care hik, you idiot!
Lumambot ang ekspresyon niya pagkarinig sa pagtangis ng kaibigan. "Of course I care Venice. I love you and I care."
"Shhhhhhh.." saway nito. "Dhon't tell me hik yhou love me if you don't hik mean it."
"Just tell me where you are at susunduin kita diyan."
Agad naman nitong sinabi sa kanya ang kinaroroonan nito. Nagmamadaling kinuha niya ang susi sa keyholder at mabilis na sumakay ng sasakyan. He wants to see her. Katakot takot na sermon ang aabutin nito sa kanya.