Chapter 4

564 Words
Hindi napigilan ni Derick ang mapakuyom ang kamao. He could see those guys ogling on Venice. He could feel the tensions in his muscles. Mabilis niyang binistahan ang kanyang relo sa bisig. It's 9:27 in the evening! For Pete's sake! Mabuti na lamang at nagawa pang tumawag sa kanya ni Venice bago ito tuluyang napayukyok sa isang tabi ng bar. Sa kabila ng estado, agaw pansin pa rin ito dahil sa taglay nitong karisma. Idagdag pang napaka revealing ng suot nitong damit. Shhh.. ang tigas talaga ng ulo ng babaeng ito. Kailan ba ito makikinig sa kanya? Bigla siyang napalapit sa kinaroroonan ng dalaga nang mapansin ang paglapit ng ilang kalalakihan dito. "Hey, stay away from my girlfriend." he reprimanded those men na nakitang niyang nakatingin kay Venice. "Ops.." itinaas naman agad ng pinakamalaking lalaki ang mga kamay. "Hands off. We thought she was alone and we just wanna make friends with her." Tumaas nang bahagya ang kilay niya at matalim na tinitigan ang mga ito. "If thats what you say. Now, go and look for someone else." Bahagya itong umatras. "Y-yes boss." iyon lamang at mabilis na itong hinila ng mga kasama nito. Marahas siyang napabuntunghininga bago nilingon ang namumungay ang mata sa kalasingan na si Venice. ***************** Malaking family portrait ng mga Almabis ang bumungad sa kanya pagdilat ng kanyang mga mata kinaumagahan. Yeah, yeah great! Hindi na kailangang tanungin pa si Derick. Nandito lang naman siya sa condo ng kaibigan. Sa sobrang kalasingan kagabi, binuhat siyang parang sako ng bigas ni Derick habang patuloy sa pagsesermon sa kaniya. Dinaig pa talaga ang Nanay niya. Mabilis siyang bumangon at umupo. Nasapo niya ang kanyang ulo sa tindi ng sakit. 'Ouch! Damned hang over.' "You're damn wasted!" Napasinghap si Venice sa gulat nang marinig ang baritonong boses ni Derick. Nakita niya itong nakaupo sa couch sa tabi ng tama. 'Oh no. Katakot takot na sermon na naman ito.' Salubong ang mga kilay at matiim itong nakatingin sa kanya. Pagkatapos niyang magpakalasing kagabi, heto siya at kaharap ang galit na kaibigan. Nag inom lang naman siya para sandaling makalimot sa kabiguan sa pag - ibig sa kaibigan. “What the hell do you think you are doing Venice? Alam mo bang muntik ka ng mapahamak kagabi? Mabuti na lang I came there on time, kung hindi hindi ko na alam.” Derick didn’t even raise his voice but it made her shiver. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagkadisgusto. “I just want to have fun. Yun lang” She shrugged her shoulder off. Pakiramdam niya ay may harang na kung ano sa lalamunaN niya. Naiiyak siya pero kailangan niyang pigilan. Ayaw niyang maging mukhang kawawa sa harap ni Derick. Narinig niyang bumuga ng hangin si Derick sa pinipigilang matinding inis sa kanya. Maya - maya pa ay marahan itong lumapit upang yakapin siya. Gamit ang palad, marahan nitong pinunasan ang mga luhang walang patid na namamalisbis sa kanyang pisngi. Maya maya pa’y ikinulong siya nito sa mga bisig at niyakap nang mahigpit. “Shhh.. I'm just pissed of with the idea na muntik ka nang mapahamak sa bar. Tahan na. Sorry if I scared you. Ayaw lang kitang mapahamak. Don't do that ever again.” malambing nang sabi ng binata. Tumango na lamang siya. For now, she let herself in his arms to feel the warmth of his touch. Kahit saglit lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD