Chapter Five

1463 Words
“ORDER what you want mga, bro, ako’ng bahala.”           Napataas ang isang sulok ng labi ni Paolo sa sinabi ni Gabe. “Sure. Minsan lang manlibre ang hari ng kakuriputan kaya sasamantalahin talaga namin,” tugon niya. Nasa isang private room sila ng Friend Jungle Bar and Restaurant sa El Pueblo nang gabing iyon dahil sa imbitasyon ni Gabe. Kabilang ang lugar na iyon sa bar and restaurant group ng MNGC na pinamamahalaan ni BJ. Sa branch na iyon madalas ang hangout nila dahil cozy at relax lang ang theme ng lugar.           “Para saan ba talaga ‘tong all male bonding natin?” kunot-noong tanong ni Ken sa pinsang si Gabe. “Sabi mo may sasabihin kang importante kaya hindi pa ako umuuwi sa mag-ina ko.”           “Oo nga, bro. Hinihintay na ako ni Kate, hindi ‘yon matutulog hangga’t wala ako,” sabi naman ni Jay-Jay.           “Grabe naman kayo, ngayon nga lang ako nagyaya ng all boys night out, tapos ganyan pa kayo,” kunwari ay nagtatampong sabi ni Gabe.           “Ang arte nito. Ano ba kasi ang sasabihin mo?” tanong naman ni Ethan.           “Okay sasabihin ko na,” sandaling nag-pause si Gabe bago nagpatuloy. “Bel and I are getting married!” masayang anunsyo nito.           Sandaling nagdaan ang katahimikan dahil sa nakakagulat na pangyayari.           Si Lance ang unang nakapag-react. “Ang playboy na si Engineer Gabriel Jason Yuzon, mag-aasawa na?” hindi makapaniwalang sabi nito.           “That’s true, bro. Magpapakasal na talaga kami ni Bel.”           “Bro, nabuntis mo ba si Bel kaya ka biglang magpapakasal?” tanong naman ni BJ.           “Well, she’s almost two months pregnant,” nakangising pag-amin ni Gabe.           “Magpinsan nga talaga kayo ni Ken,” napapailing na sabi naman ni Anthony.           “But bro, you’re just twenty-three! You don’t have to marry Bel, just because you made her pregnant,” pagtutol ni BJ na kilala ring playboy.            Biglang may lumipad na binilot na tissue sa mukha ni BJ mula kay Jay-Jay. “Huwag mo ngang i-pollute ang isip ni Gabe. Palibhasa sanay ka sa hit and run, eh,” sita nito sa pinsan.           “I’m serious, I’ll marry, Bel. Mahal ko talaga s’ya, eh. The moment I realized I’m in love with her, I knew she was the one for me. Nagkataon lang na magkaka-baby na kami kaya mapapabilis ang pagpapakasal namin.”           “You’re really in love, Gabe,” ani Ken. “Ganyan din ako dati noong nasa ganyang kaming sitwasyon ni Trish kaya susuportahan kita d’yan.”           “Yeah!” tugon ni Gabe. Nakipag-high- five ito at nakipagtapikan ng balikat kay Ken. Nagsunuran na rin ang iba at binati si Gabe.           “So kailan ang big day?” tanong ni Ethan nang magbalikan ang lahat sa kani-kanilang upuan.           “As soon as possible, bro, sa firm ni Ate Kate ko ipapa-organize ang kasal namin.”           “Pero si Paolo na dapat ang next in line sa pagpapakasal dahil isa siya sa pinakamatanda sa barkda natin,” sabi ni Fran, sabay baling kay Paolo. “Matagal na kayong engage ni Ate Jane, ‘di ba? Ano pa ba talaga’ng hinihintay n’yo?”           “Kami na naman ni Jane ang pinansin n’yo,” nakasimangot na tugon ni Paolo.   “Huwag n’yo nga kaming i-pressure, baka mamaya hindi na magpakasal sa akin ‘yon dahil sa kapupuna n’yo.”            Talagang nakaka-frustrate ang pagtanggi ni Jane na itakda na ang petsa ng kasal nila. Nabibingi na rin siya sa paulit-ulit na tanong ng lahat kung kailan ba talaga sila magpapakasal. Pero wala naman siyang magagawa kung hindi pa talaga handa ang kanyang nobya. Ayaw naman niya itong i-pressure kaya mas nilalawakan na lang niya ang pang-unawa kahit pa kung minsan nilulukuban siya ng matinding takot na baka maulit sa kanila ang kinahantungan ng relasyon ng daddy niya at mommy ni Jane.           Jane was his life. Hindi niya ma-imagine ang future niya kung hindi ito ang mapapang-asawa niya. They were perfect fit. Naalala pa niya na sandali niyang pinaglabanan ang paghangang nararamdaman kay Jane noon. Pero nang ma-realize niyang in love na siya rito ay nilakasan na niya ang loob at niligawan ang dalaga. He got scared and insecure when she suddenly changed her looks. Nagkaroon kasi siya bigla ng mga karibal. Mas gusto niyang nakatago ang ganda ni Jane na para lamang sa kanya. Mabuti na lang at siya ang sinagot ng dalaga sa lahat ng mga naging manliligaw nito.            “Alam mo, bro, may solusyon diyan.” Napatingin si Paolo kay Lance nang magsalita ito. “Why don’t you try the style of these two daddies?” sabi ni Lance, sabay turo kina Gabe at Ken. “Make Ate Jane pregnant. I’m sure, mapapadali ang kasal n’yo.”           Mariing hinawakan ni BJ si Lance sa balikat. “Dahan–dahan ka sa pananalita mo, bro, huwag mong kalimutan na ate ko ang tinutukoy mo,” babala nito.           “I’m just kidding, okay?” nakataas ang mga kamay na sabi ni Lance. Saka lang binitiwan ni BJ si Lance.           “Huwag kang makikinig sa loko na ‘yan, Paolo. Kahit kaibigan kita at pakakasalan mo si Jane, trust me, uupakan pa rin kita,” babala naman ni Jay-Jay.           Napailing na lang si Paolo sa narinig. Hindi siya natatakot kay Jay-Jay o kay BJ. Wala rin namang dahilan para pagbantaan siya nito nang ganoon dahil wala pa namang nangyayari sa kanila ni Jane. May sarili siyang paraan para magpakasal si Jane sa kanya. Iyon ay ang maghintay rito kahit na gaano pa katagal.   NAPAKUNOT-NOO si Jane nang humimpil ang asul na SUV ni Paolo sa tapat ng isang malaking bakanteng lote sa isang subdivision sa Pasig. Sinundo siya nito sa opisina para sabay silang mag-lunch. Pagkatapos nilang kumain ay sinabi nitong may pupuntahan muna sila sandali bago siya ihatid pabalik sa opisina.           “This is a surprise, hon,” nakangiting deklara ng binata.           Nakakunot pa rin ang noong inilibot ni Jane ang tingin sa bakanteng lote. May nakasalansan doong mga bakal, hollow blocks, buhangin, graba, mga kahoy at iba pang construction materials. Kasalukuyan ding may ginagawang barracks ang ilang kalalakihan. Bigla siyang nagkahinala sa nakita at ibinalik ang tingin sa nobyo.           “Pao?”           Imbes na sumagot, dinukwang ni Paolo ang isang blueprint sa backseat. “Ganito ang magiging hitsura ng bahay natin sa sa oras na matapos.” Inilatag ni Paolo ang blueprint sa harap nila.           Sandali lang tiningnan ni Jane ang blueprint at muling ibinalik ang tingin sa nobyo. “Bahay natin?” pag-uulit niya.           “Yes. I asked you to marry me but I realized bukod sa condo ko, wala pa pala tayong matitirhan kapag ikinasal na tayo kaya bumili na ako ng lote. Maganda rito, tahimik at malapit pa sa mga workplace natin. Magiging kapitbahay lang din natin sina Gabe,” nakangiting sabi nito.           “Pero, Pao, hindi pa natin kailangan ng bahay dahil hindi pa tayo magpapakasal,” paalala niya.           Natigilan ang binata at nawala ang ngiti sa mga labi. “I know. But there’s nothing wrong kung magkakaroon na tayo ng bahay para sa hinaharap, ‘di ba?”                    Hindi nakakibo si Jane. Pakiramdam niya ay bigla siyang na-pressure.           Bigla ang pagsasalubong ng mga kilay ni Paolo. Inirolyo nito ang blueprint at nagdadabog na bumaba ng sasakyan.   “HON, GUSTO kong ipa-landscape ang buong paligid ng bahay. Gusto ko rin ng decorated fountain sa harap ng bahay at gazebo malapit sa swimming pool,” ani Jane kay Paolo habang papalabas na sila ng subdivision sakay ng kotse nito.            “Okay,” walang kasigla-siglang tugon nito habang nakatingin pa rin sa unahan.            “Pao, galit ka ba?” maingat na tanong niya.   Sinundan niya kaagad si Paolo kanina nang bumaba ito ng sasakyan. Ipinakilala siya nito sa foreman. Nakita rin niya ang buong solar ng lote at muling ipinakita sa kanya ang blueprint. Subalit kapuna-punang hindi na bumalik ang kasiglahan nito.           Hindi kumibo ang binata. Humawak siya sa braso nito. “Sorry na, hon. Nabigla lang naman ako sa sorpresa mo sa akin. But of course I love it.”           “Pero ayaw mo pa ring magpakasal sa akin.” Bakas ang sama ng loob sa tinig nito.           “What? Paolo, hindi ganoon ‘yon. Akala ko ba naiintidihan mo ako? Bakit parang pini-pressure mo ako ngayon?”            “I’m not doing that.”            “Yes, you are!” sikmat ni Jane. Binawi niya ang kamay na na nakahawak sa braso ng nobyo.           Salubong ang mga kilay na umiling-iling ito pero hindi naman nagsalita.           Umayos ng upo si Jane at tumingin sa bintana. Hindi na sila nag-usap hanggang sa makarating sila sa parking area ng office building niya.            “Thanks for the lunch,” aniya at bumaba na ng kotse.           Ilang hakbang na ang layo niya sa kotse ni Paolo nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng sasakyan kasunod ng pagtawag ni Paolo sa pangalan niya.           “Jane!”           Lumingon siya. Nakita niyang umangat ang mga braso ni Paolo. He wanted to hug her. Walang pagdadalawang-isip na mabilis na lumapit siya sa nobyo at nagpakulong sa yakap nito. Mahigpit silang nagyakap.           No need for words. Sapat na ang mga yakap nila upang makapag-sorry sa isa’t-isa.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD