Chapter Six

2292 Words
“JANE, you’re an angel!”           Napataas ang isang kilay ni Jane nang tuwang-tuwang salubungin siya ni Trisha sa front door pa lang bahay nito. Dahil wala naman siyang masyadong ginagawa sa opisina ay naisipan niyang dalawin ang kaibigan. Tama si Kate. Kung gusto talaga niyang maging handa sa buhay-may-asawa ay sa mga ito dapat siya magdididikit. Pero hindi niya iyon aaminin kay Trisha dahil tutuksuhin lang siya nito.           “Ano nama’ng ginawa ko para sabihin mo sa akin ‘yan?” natatawang tanong niya.           “Tamang-tama kasi ang dating mo. I need your help.” Hinawakan siya nito sa kamay at dinala sa silid ng inaanak niyang si Kent. Nadatnan nilang natutulog sa kama ang bata.           “Bakit ba?” mahinang tanong niya sa takot na mabulahaw si Kent. Hinila na siya ni Trisha palabas ng silid. “Naubusan na kasi ng stock ng formula milk si Kent at isa na lang ang diaper niya.”           “Akala ko ba nagpapa-breastfeed ka?”           “Nagpapa-breastfeed nga. Ang problema, nauubos din kaagad dahil sa takaw ng inaanak mo kaya nagpo-formula milk pa s’ya.”           “Hindi ka siguro kumakain ng leafy vegetables at mga soup kaya nauubos kaagad ang gatas mo,” sarcastic na sabi niya.           “Ang dami mong alam. Bakit nanay ka na ba?”           “I just read it somewhere,” katwiran niya. “Kumakain ako, ‘no. Talaga lang matakaw si Kent. Anyway, kailangan kong bumili ng formula milk at diapers dahil siguradong kukulangin na. Gagabihin pa naman ngayon si Ken at ‘yong maid naman namin nagday-off.” “No problem. Ako na lang ang bibili,” alok niya. “Ako na lang, Jane. May iba pa kasi akong bibilhin. Pakibantayan na lang si Kent.”  Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “Iiwan mo sa akin ang anak mo? Anong alam ko sa pag-aalaga ng bata?” “Babantayan mo lang s’ya habang natutulog. Babalik din ako kaagad. Sa grocery sa may kanto lang naman ako pupunta.Don’t worry matagal matulog si Kent at katutulog lang n’ya, nakabalik na ako bago pa s’ya magising.” “Sigurado ka?” nagdududang tanong niya. “Oo naman. Ako ang mommy niya kaya alam ko.” “Sige na nga. Bilisan mo lang ha. Kotse ko na lang ang gamitin mo.” “Mabuti pa nga.” Sandaling pumasok sa master bedroom si Trisha para magbihis at kunin ang wallet. Nang balikan si Jane ng kaibigan ay nakasuot na ito ng itim na leggings at pink T-shirt na may nakasulat na “Offsprings 21” na siyang pangalan ng barkada nila. Napailing na lang siya nang makita ang simpleng ayos ni Trisha. Noong dalaga pa ito at nakatira pa sa village nila ay hindi ito lumalabas ng naka-t-shirt lang o hindi nakapostura maliban na nga lang kapag nagjo-jogging sila o magba-badminton. Ngayon ay nagsuklay lang yata ng buhok at nagpulbo si Trisha. Malaki talaga ang nababago sa isang tao kapag married na, naisip niya. Gayumpaman ay maganda pa rin naman ang kaibigan niya kahit hindi mag-ayos at tila hindi man lang ito nanganak dahil sexy pa rin. “Bahala ka na sa inaanak mo, ha. Nakaluto naman na ako. Kumain ka na lang kapag nagugutom ka,” bilin pa ni Trisha nang iabot ni Jane dito ang susi ng kotse niya. “Ako na ang bahala.” Pagkaalis ni Trisha ay kaagad na nagtungo sa kusina si Jane upang kumuha ng maiinom. Pakiramdam kasi niya ay nauhaw siya sa naiwang responsibilidad sa kanya. Hindi pa niya nauubos ang iniinom na canned pineapple juice nang marinig niya ang pag-iyak ni Kent. Nagmamadaling nagbalik siya sa silid ng bata. Nakadapa si Kent sa kama nang madatnan niya. Kaagad niyang kinarga ang bata at pinaghele ayon sa natatandaan niyang pagpapatahan ni Trisha. “Kent, baby, stop crying nandito na si Ninang.” Pero hindi tumigil sa pag-iyak si Kent at mas lalo pang lumakas ang pag-iyak. Kinuha ni Jane ang feeding bottle na may lamang tubig at isinubo kay Kent. Subalit iniiwas lang nito ang mukha sa bote at mas lalo pang umiyak. “Trish, nasaan ka na ba?” natataranta nang sabi niya. “Ano bang problema mo, Kent?” pinagpapawisan nang tanong niya. Ibinaba ni Jane ang bata sa kama, hinubad ang suot niyang blazer at inihagis na lang sa kung saang parte ng silid. “Kent, baby, tahan na,” aligagang sabi niya. Tinapik-tapik pa niya ang gilid ng hita ng bata at doon niya nalaman na basa na pala ang diaper nito at tumagos na sa suot na shorts. “Oh, my. Hindi ako marunong magpalit ng diaper!” nahihindik na bulalas niya. Tila naman naintindihan ng bata ang sinabi niya dahil mas lalo pang lumakas ang pag-iyak nito. “Okay, okay. Sandali lang naman, Kent. Huwag mo naman akong madaliin.” Pinahiran muna niya ang butil-butil na pawis sa noo bago inumpisahan ang hubarin ang suot na shorts ni Kent.            Pagkatanggal ng shorts ay biglang tumigil sa pag-iyak ang bata. Nang matanggal niya ang locks ng diaper ay hindi niya inaasahan ang bumulaga sa kanya. Kasunod ng hindi kanais-nais na amoy. Kaagad siyang nagtakip ng ilong dahil hindi lang basta umihi si Kent kundi nag-poopoo pa.           “Ano ba itong napasok ko?” pangongong sabi niya habang nakahawak pa rin ang isang kamay sa kanyang ilong. “I’m not ready for this, alam mo ba, Kent?”           Salubong ang mga kilay na nakatingin lang sa kanya ang bata. Mas lalo tuloy nitong naging kamukha ang daddy nito.           “Anong tinitingin-tingin mo d’yan? Kung hindi kaya kita palitan?” pagtataray niya.           Unti-unting sumimangot si Kent na tila maiiyak na naman.           Tinanggal ni Jane ang kanyang kamay sa kanyang ilong. “Okay, okay, papalitan ka na ni Ninang,” aniya sa pilit na pinalambing na boses.           Hindi naman umiyak ang bata. Lakas-loob na nilinisan niya ito habang patuloy pa rin siya sa pagsasalita. “Ikaw, Kent, ang bata-bata mo pa ang pilyo-pilyo mo na. Bakit mo naman minolestiya nang ganito si Ninang?”           Narinig ni Jane ang paghagikgik ni Kent na tila kinikiliti ng mga anghel ngunit hindi na lang niya iyon pinansin. Ginaya niya ang nakikita niyang paglilinis at pagpapalit ng diaper ni Trisha sa anak. Pinulbuhan din niya ito at pinalitan ng damit.           “Finally, you look fresh,” nakangiti nang sabi niya. Nakangiti na rin ang bata. Bigla nitong isinubo ang isang daliri.           “That’s bad, Kent. Gutom ka na siguro, sandali kukunin ko ang dede mo.”           Kinuha ni Jane ang isang feeding bottle na may lamang malinis na tubig at binuksan para magtimpla ng gatas. Nang buksan niya ang lata ng formula milk ay natuklasan niyang nagsasabi nang totoo si Trisha. Pinagkasya na lang niya ang natirang formula milk na nasa lata at tinamplahan ng gatas ang feeding bottle ayon sa panlasa niya.           Kaagad isinubo ni Kent ang feeding bottle nang ilapit niya iyon sa bibig nito. Kusa pa nitong hinawakan ang bote.           “Ang takaw-takaw mo talaga, Kent. Kaya ka tumataba, eh,” nakangiti nang sabi niya habang pinaggigigilan ang isang hita nito.           Sandali lang naubos ni Kent ang laman ng feeding bottle pero hindi na ito umiyak at naglaro na. Patuloy sa panggigigil na kiniliti ni Jane sang bata. Habang humahagikgik ito ay biglang may kung anong mainit na bagay na humaplos sa dibdib niya. Out of nowhere, she was suddenly longing for a child on her own. Gusto niya ng kambal na mga anak tulad ng mga kapatid niyang sina Justin at BJ. Kaagad niyang ipinilig ang kanyang ulo para mawala ang tumatakbo sa isip niya. She was not yet ready for that kind of responsibility.           Nagpatuloy sila sa paglalaro. Ilang sandali pa ay dumating na si Trisha. Nadatnan nito ang magulong-magulong silid at haggard na ayos ni Jane.   COMPANY anniversary ng Yuzon–Alegre Builders and Design Incorporated. Tulad ng mga nakaraang taon ay isinama si Jane ni Paolo nang dumalo ito sa okasyon na ginanap sa grand ball room hall ng Monteclaro Hotel sa Ortigas. Imbitado rin sa okasyon ang mga taga ibang kompanya for public relations purposes.             “I have to talk to someone, hon,” bulong kay Jane ni Paolo habang kaumpok nila sa isang table ang magkapatid na sina  Francine at Gabe Yuzon, kasama ang pinsan ng mga itong si Fran. Kasama rin nila ang politician na boyfriend ni Francine na si Lander, si Bel na fiancée ni Gabe, at si Angela na special friend naman ni Fran. Maliban kina Lander, Fran at Jane, ang lahat ay nagtatrabaho sa Builders.           “You may go, dito na lang muna ako sa kanila,” tugon ni Jane.            “Okay.” Nagpaalam sandali si Paolo sa mga kaibigan nila at humalik sa pisngi niya bago tuluyang umalis.           Ilang sandali ang lumipas nang biglang mapalingon si Jane nang may magsalita sa likuran niya.           “Hello, Jane,” nakangiting bati ng isang guwapo at matangkad na lalaki.           “Banjo?” gulat na sambit niya.           “Yes. It’s me. I never thought I would see you here.”           “Ako rin.” Bumaling si Jane sa mga kaibigan at ipinakilala si Banjo. “Guys, this is Banjo Solivan of Solivan Motors.” Binalingan niya si Banjo. “Banjo, my friends…” At isa-isa niyang ipinakilala ang kanyang mga kaibigan.           “What’s up man?” ani Gabe na kakilala na pala si Banjo.           Hindi na umalis si Banjo sa grupo nina Jane at nakisali na sa pag-uusap ng grupo.   NAPAKUNOT–NOO si Paolo nang sina Francine at Lander na lang ang nadatnan niya nang magbalik siya sa table nila.                  “Where is Jane?”            “Currently dancing with a certain Banjo Solivan of Solivan Motors,” nakataas ang isang sulok ng labing tugon ni Francine.           “What?” Iginala ni Paolo ang tingin sa sumasayaw sa dance floor. Kahit nakatalikod si Jane ay madali niya itong nakilala. Kasayaw ng kanyang nobya sa saliw na slow music ang isang matangkad na lalaki. He knew the guy kahit ilang taon na ang nakalilipas nang huli niya itong makita. Banjo Solivan was a former classmate of Jane in her masteral course at Ateneo. Nakasabay niyang manligaw noon ang lalaki kay Jane at ilang beses din niyang pinagselosan.           “Kanina pa ba sila magkasama?” tanong niya na hindi inaalis ang tingin kina Jane at Banjo.           “About twenty minutes.”           Napailing siya sa narinig at walang paalam na nagtungo sa kinaroroonan nina Jane at Banjo. “Excuse me.” Awtomatikong napatingin sa kanya ang dalawa.           “Paolo,” tila nagulat pang sabi ni Jane pagkakita sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang biglang pagbaba ng mga kamay ng dalaga mula sa pagkakahawak sa balikat ni Banjo na tila may ginawa itong hindi maganda. “Hon, rememeber Banjo? kapagkuwan ay tanong nito.           Tumango siya at inilipat ang tingin sa lalaki.           “‘Nice to see you again, pare,” sabi ni Banjo at mabilis na naglahad ng kamay.            Civil na nakipagkamay si Paolo sa lalaki. “Can I dance with my fiancée, Banjo?” tanong niya pagkatapos.           “Sure. And congratulations,” tugon ni Banjo at kaagad na ring umalis.           Possessive na ipinulupot ni Paolo ang mga bisig sa baywang ni Jane. “Ngayon lang ba kayo muling nagkita ng lalaking ‘yon?” tanong niya habang ipinupulupot nito ang mga braso sa leeg niya.           Umiling si Jane. “We bumped into each other at the lobby two weeks ago,” tugon nito.  Nagsimula silang umindak.           “Hindi mo yata nabanggit sa akin ‘yan,” aniya sa naninitang tinig.           “Nawala sa isip ko, eh.”           “Ano’ng sabi niya? Nanliligaw ba uli siya sa ‘yo?”           “He never said anything but he sent me flowers.”           “What?” bulalas niya. “At okay lang sa ‘yo ‘yon?”              Tinanggal nito ang isang kamay sa balikat niya at itinaas sa kanyang mukha. “Dude, I’m engaged!” natatawang sabi nito bago muling ibinalik ang kamay sa balikat niya. “Siyempre hindi. Pinagbawalan ko rin siya kaagad na magpadala ng bulaklak. Nagseselos ka ba?” “You know I get jealous when it comes to you, Jane. I can’t wait to start a family with you. I want you to be mine. Let’s get married,” he seriously declared. “Paolo, I have always been yours. Please give me enough time…” Frustrated na napabuntong-hininga siya. “Hanggang kailan pa ba ako maghihintay, Jane?” Nagyuko ito ng ulo at halatang hindi malaman ang sasabihin. Ang i-pressure at pilitin ang nobya sa pagpapakasal sa kanya ang pinakaayaw niyang gawin. Muli siyang napabuntong-hininga. “May sasabihin nga pala ako sa’yo,” pag-iiba na lang ni Paolo ng usapan. Nagtaas ng ulo ang dalaga at tumingin sa kanya. “I have to stay in Bicol for a couple of weeks or more.” Lumarawan ang pagkagulat sa maganda nitong mukha. “Why?” “Remember the multi-million peso project that we bagged months ago?” Mabilis na tumango si Jane. “Naaksidente kasi si Engr. Concepcion, ‘yong overseer ng project. Kailangan muna niyang magpagaling at ako muna ang papalit muna sa trabaho niya.” “But you’re managing a department, Paolo. Bakit ikaw pa ang kailangang umalis?” pagtutol nito. “Next to him, ako ang mas nakakaalam ng proyekto, Jane. Nasa first phase pa lang ang constructions kaya kailangang-kailangan talagang masiguro na masusunod ang plano. Masyado pa namang maselan at maimpluwensya ang may-ari ng project na ‘yon. Masisira ang pangalan ng Builders sa oras na pumalpak kami. Si Gabe muna ang magre-relieve sa akin sa mga maiiwan kong trabaho. ”           Napabuntong-hininga si Jane. “Kailan naman ang alis mo?” tanong nito na bakas pa rin sa mukha ang pagtutol.           “Tomorrow in the afternoon.”           Bigla itong sumubsob ng yakap sa kanya. “Mag-iingat ka ro’n ha? And promise me, every Friday uuwi ka rito at three times a day mo akong tatawagan.”           Napangiti si Paolo. “I promise. Baka naman magpaligaw ka pa habang wala ako,” pagbibiro niya.           “Gagawin ko talaga ‘yon kapag hindi ka tumupad sa pangako mo,” ganting- biro nito.           “Jane!”           Sinapo nito ang magkabilang pisngi niya at pinanggigilan ng halik ang kanyang mga labi. “Of course I wouldn’t do that.”           Mahigpit niyang niyakap ang nobya. Times like these, he felt how much she loved him. Kaya kahit hindi pa ito handang magpakasal sa kanya ay patuloy pa rin niya itong inuunawa. They had their whole life to be married anyway. Ang mahalaga ay patuloy pa rin silang nagmamahal. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD