“ANONG hindi ka makakauwi? Paolo, anniversary natin ngayon,” galit at mataas ang tinig na paalala ni Jane.
“I never forget. Pero importante ang trabaho ko rito, Jane. Hindi ako puwedeng umalis,” katwiran nito.
“Mas importante pa ba sa sixth anniversary natin?”
“Jane, please intindihin mo naman ako. Puwede naman tayong mag-celebrate ng anniversary natin pagbalik ko. I’m really sorry. I’ll just make -”
“Bahala ka!” Hindi na pinatapos ni Jane ang sinasabi ni Paolo at pinatayan na ito ng telepono. She was really pissed off and disappointed. Madali lang sana niyang maiintindihan ang sitwasyon nito kung tumupad ito sa ipinangako sa kanya.
Mahigit dalawang buwan na sa Bicol si Paolo pero dalawang beses lang itong lumuwas sa Maynila para magkita sila at dalawang araw lang itong nagtagal at umalis uli. Halos hindi rin sila nakakapag-usap sa telepono dahil mahina ang signal sa construction site kung saan namamalagi si Paolo.
Tuloy ay hindi niya maiwasang mag-alala ni Jane sa kanyang nobyo. Batid niyang nami-miss lang niya ito nang sobra kaya siya nagkakaganoon at umaaktong irrational. Kung tutuusin, dapat ay sanay na siya. Noong mga unang taon ng relasyon nila at hindi pa ito department head si Paolo ay ilang beses na rin itong nadestino sa malalayong lugar, at siya naman ay nagtrabaho sa Seattle at matagal din bago sila muling nagkita.
Nanibago lang talaga siya nang husto sa sitwasyon nila, idagdag pa na hindi na rin sila lumabas nina Kate at Trisha dahil mas priyoridad na ng mga ito ang kanya-kanyang pamilya. Ang mga magulang naman niya, kung hindi pa siya ang bibisita sa Palawan o kinakailangang lumuwas ng mga ito sa Maynila ay hindi pa sila magkikita. At ang mga kapatid niya ay busy rin at halos hindi sila nagkakatagpo sa kanilang bahay. She was suddenly felt left alone kaya ganoon na lang ang inis niya kay Paolo.
Pagkalipas ng isang oras ay isang malaki at napakagandang flower arrangement na may kasamang mga balloons ang dumating sa opisina ni Jane. Siyempre pa ay padala iyon ni Paolo. Kahit papaano ay nabawasan ang inis niya at napasaya siya nito. But she needed his presence more than anything else. Nang subukan niyang tawagan si Paolo upang mag-sorry at magpasalamat ay hindi na naman niya ma-contact ang cell phone nito. Tuloy ay bumalik ang inis niya sa nobyo.
“JANE, makakarating ba si Paolo sa wedding ni Gabe bukas?”
“Malay ko sa kanya,” nakasimangot na tugon ni Jane kay Kate habang nakatingin siya sa inilalagay na nail polish sa kanyang kuko sa paa ng manicurist ni Trudis. Naroon sila sa loob ng silid niya kasama si Trudis at dalawa pang staff na kasalukuyan ding nagpe-pedicure kina Trisha at Kate.
Inaanak ng mommy ni Jane si Trudis at malapit sa barkada nila. Miyembro ito ng third s*x at pag-aari ang maraming branch ng kilalang salon na nagkalat sa buong Pilipinas. Nagpapaganda sila para sa kasal ni Gabe sa susunod na araw. Actually, lahat ng beautician ng isang branch ng salon ni Trudis ay nasa bahay nila dahil nagpapaganda rin at nagpapaguwapo ang halos lahat ng miyembro ng barkada nila at nagkalat ang mga ito sa buong kabahayan. Doon na rin matutulog sa kanila ang karamihan para sabay-sabay na magtungo sa simbahan bukas.
“Hindi mo alam?”kunot–noong tanong ni Trisha. “Hindi ba kayo nag-uusap sa phone?”
“Ilang beses pa lang dahil mahirap makahanap ng signal sa site nila.”
“Gaano na nga katagal si Paolo sa Bicol, Jane?” tanong ni Kate na nagtaas ng tingin mula sa hawak na cell phone.
“Almost three months at parang wala na siyang balak na bumalik dito.”
“Naku, ha. Baka naman may ibang babaeng na s’yang kinalolokohan doon kaya hindi umuuwi,” komento ni Trudis. “O baka naman may lumalandi na sa kanya ro’n. Eye-catcher pa naman ang fiancé mo. Ni wala siyang singsing na nagsasabing committed na siya.”
“Paolo is faithful to me, Trudis. I’m sure about it,” confident na sabi ni Jane.
Sa loob ng anim na taong relasyon nila ni Paolo ay hindi pa nangyaring may namagitan sa kanilang ibang babae. Malaya rin niyang nahahawakan ang cell phone nito tuwing magkasama sila at wala naman siyang nabasa roon na kakaiba na maaring maging dahilan para pagdudahan niya ito. Maaring sabihin na magaling lang magtago ang kanyang nobyo pero sa sapat na ang tagal ng panahong magkakilala sila para maging buong-buo ang tiwala niya rito.
“Okay,” kibit-balikat na tugon ni Trudis.
Naputol ang pag-uusap nila nang may kumatok sa pinto. At sumungaw ang mukha ni Ken.
“O, bakit?” tanong ni Trisha sa asawa.
“Tumawag si Mommy Trina, doon na lang daw matutulog si Kent sa kanila. Ang sabi ko, sa ‘yo magsabi.”
“Oh, my, hindi puwede! Hindi ako makakatulog kapag wala ang baby ko,” hysterical na sabi ni Trisha. Ipinatigil nito ang ginagawa sa paa at nagmamadaling lumabas ng silid.
“Kayo diyan, hindi ba kayo bababa? Nag-uumpisa na ang happenings sa baba,” sabi pa ni Ken.
“Ay, jo-join ako sa happenings. Bababa na ako,” sabi ni Trudis at tumayo na.
“Ako din,” sabi naman ni Kate. Tapos na ang pagpe-pedicure nito.
Tapos na rin ang kay Jane pero gusto muna niyang patuyuin iyon at magliligpit pa siya ng kalat sa loob ng kuwarto. “Susunod na lang ako.”
At magkakasunod nang lumabas ng silid ni Jane ang lahat. Ilang minuto ang lumipas nang muling may kumatok sa pinto.
“Pasok,” aniya habang nagpapagpag ng bed sheet.
“Paolo?” gulat na bulalas niya nang makitang ang kanyang nobyo ang pumasok sa silid.
“Yes, it’s me, honey,” nakangiting tugon nito.
Nawala bigla ang inis ni Jane sa nobyo sa matagal nilang hindi pagkikita. Pasugod siyang yumakap dito. Sandali silang nagyakap at sabik na nagtagpo ang kanilang mga labi. Tumigil lang sila nang kapwa pangapusan ng hininga.
“Bakit ngayon ka lang bumalik?” humihingal na tanong niya habang nanatili silang magkayakap at maliit lang ang distansya ng kanilang mga mukha.
“Work- related. I’m so sorry.”
“Magagalit na talaga ako sa ‘yo kung hindi ka talaga darating hanggang bukas,” naka-pout na sabi ni Jane.
Hinaplos nito ang kanyang mukha. “I’ll make it up to you. Magse-celebrate pa rin tayo ng anniversary natin kahit late na.”
“Dapat lang ‘no,” aniya at muling humalik sa mga labi ng nobyo.
Mabilis namang pinailalim ni Paolo ang halik. Kapwa nila ibinuhos sa halik na iyon ang pagka-miss sa isa’t–isa. Hanggang sa magulantang sila at kaagad na kumalas sa isa’t-isa nang makarinig ng sunod-sunod at malalakas na katok sa pinto. Kasunod noon ang pagpasok nina Justin at BJ.
“Mas maganda siguro kung sa labas na lang kayo mag-uusap, ‘di ba, bro?” walang kangiti-ngiting sabi ni Justin.
“Palabas na nga kami,” natatawang tugon ni Jane.
Inakbayan ni BJ si Paolo. “Ituloy na natin ang inuman, bro. Tinakasan mo kami, eh,” sabi ni BJ at hinila na palabas ng silid si Paolo. “Ate, sumunod ka na lang sa baba, ha.”
“Oo na.” Napailing na lang siya at napahagalpak ng tawa habang sinusundan ng tingin ang nobyo niya. Paano ba naman, halos kaladkarin na ito ng mga kapatid niya palabas ng silid.
“HUWAG na tayong pumunta sa reception,” bulong ni Jane kay Paolo habang nagpi-picture taking sila sa simbahan kasama ng mga kaibigan nila matapos ang seremonyas ng kasal nina Gabe at Bel.
“Why? Masama ba ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Paolo. Sinalat pa nito ang leeg niya.
“I’m fine. Ayoko lang pumunta sa reception at ulanin ng tanong kung kailan ba talaga ang kasal natin.”
Sandali itong natigilan bago sumagot. “All right. Saan mo gustong pumunta?”
“Anywhere. Basta ang gusto ko lang magkasama tayo.”
Napangiti si Paolo at mabilis na kinintalan ng halik sa ulo si Jane.
Hindi na nga sila nagpunta sa reception ng kasal sa Alabang. Sa halip ay nagtake-out sila ng pagkain sa isang restaurant at bumili ng wine, saka nagtungo sa condominium unit ni Paolo na nasa tabi lang ng office building kung saan ito nagtatrabaho.
He seldom used his unit. Natutulog lang doon si Paolo kapag may proyekto na kailangang pagpuyatan ng departmento nito at sobrang pagod na ito para umuwi pa sa bahay ng parents nito na ilang blocks lang ang layo sa bahay nina Jane. Pero may mga damit na sa closet si Paolo pati na rin si Jane. Ilang beses na rin kasi silang natulog doon nang magkasama at sinadya niyang mag-iwan ng mga damit-pambahay.
Pagktapos magpalit ng komportableng damit ay sandali muna silang naglinis dahil matagal na hindi napalinisan ni Paolo ang unit. Pagkatapos ay kumain na sila ng hapunan.
Sumisimsim na sila ng wine nang ibigay ni Jane ang regalo niya kay Paolo. Isa iyong silver diamond engagement ring na kahawig ng engagement ring na kahawig ng engagement ring niya na kabibili lang niya kaninang umaga sa isang jewelry store sa loob ng isang mall. Natanim kasi sa isip niya ang sinabi ni Trudis na eye-catcher ang fiancé niya at wala man lang itong suot na simbolo na committed na ito sa kanya. Pantaboy na rin iyon sa mga nagkakainteres sa kanyang nobyo.
Nagulat si Paolo at ilang sandaling hindi nakapagsalita nang isuot ni Jane sa daliri nito ang singsing. Pagkatapos maipaliwanag kung para saan iyon at muling mangako na dito lang siya magpapakasal ay mapusok na hinalikan siya ng nobyo. Tinugon niya ng buong puso ang mga halik nito. Topless na sila sa ibabaw ng kama nang bumangon si Paolo mula sa pagkakadagan sa kanya at tumagilid ng higa sa tabi niya.
“W-we have to stop now while I can still control myself, Jane. I’ve missed you. So much that I want to make love to you now.”
Ipinalibot niya ang mga kamay sa leeg nito. “Then make love to me,” nakangiting deklara niya.
“W-what?” gulat na bulalas nito.
“We’ve been together for a long time, Pao. It’s about time to bring our relationship to another level. I’m ready.”
“A-are you sure?” hindi pa rin makapaniwalang tanong nito.
“They say virgins are absolete nowadays, anyway,” biro niya. “Don’t give me a reason to change my mind.”
“Oh… I- I think I forgot how to start. It’s been a long time since…”
Napahagikgik si Jane at hindi naniniwalang hinalikan si Paolo sa mga labi. Mabilis naman itong tumugon. Ilang sandali pa ay muli nang nakadagan sa kanya ang nobyo at buong puso niyang tuluyang ipinagkaloob ang sarili.