Chapter Two

1705 Words
MAY ngiti sa mga labing sumakay si Jane sa kotse ni Paolo. Alas-kuwatro pa lang ng hapon nang umalis siya ng opisina dahil sa kahilingan ng nobyo niya. Nanalo kasi ang Builders sa bidding ng isang malaking construction project na si Paolo  mismo ang nag-represent sa bidding procedures kaya masayang-masaya ito at gusto nitong mag-celebrate sila. She was so happy for him too at sa success ng Builders. Ilang date din nila ang na-cancel dahil sa proyektong iyon.           “Saan tayo pupunta?” tanong niya matapos nilang magsalo sa may- katagalang halik.           “You’ll see,” nakangiting tugon ni Paolo at pinaandar na ang kotse.           Nagsuot ng seatbelt si Jane at hindi na nag-usisa pa. Nang tahakin nila ang daan patungong South ay nagka-ideya na siya na sa Tagaytay sila pupunta. Hindi nga siya nagkamali ng hinala dahil pagkalipas ng halos isang oras ay papasok na ang sinasakyan nila sa gate ng rest house ng pamilya ni Paolo.   Isang early dinner sa verandah na over-looking sa Taal lake ang naghihintay sa kanila.            “Let’s spend some quality time together,” nakangiting sabi ni Paolo habang inaalalayan siya sa pag-upo.             Kapwa nila na-enjoy nang husto ang dinner habang masayang  nagkukuwentuhan. Matagal din nilang hindi nagawa iyon. Si Jane man kasi ay naging abala rin. Bukod sa trabaho niya ay pansamantalang nalipat sa kanya ang trabaho ni Kuya Jay-Jay bilang presidente ng MNGC dahil nasa honeymoon pa rin ito at si Kate sa Amerika. At tila wala pang balak umuwi kahit halos dalawang buwan na ang nakalipas pagkatapos ng kasal.             Monteclaro & Narvantez Group of Companies was a family–owned and controlled business organization. Sa mother side ng pamilya ng daddy ni Jane ang Monteclaro at sa father side naman ang Narvantez. Binubuo ng hotel group, resorts, bars, restaurants at non-profit foundation na nagkalat sa buong Pilipinas at ilang siyudad sa Washington State sa Amerika ang mga negosyo ng MNGC.           Isa namang cardiologist ang mommy ni Jane. Tulad ng daddy niya ay retirado na rin ang kanyang ina at sa resort nila sa Palawan na nakabase ang mga ito kasama si Lola Amelia.           Apat silang magkakapatid, si Jane ang panganay. Sumunod ang kambal na sina Justin at BJ, tatlong taon ang tanda niya sa dalawa. At apat na taon naman tanda niya sa bunso nilang kapatid na si Janine. Kasama ni Kuya Jay-Jay at mga pinsan nila na nakabase sa Seattle, sina Jane at BJ ang magkakatulong na namamahala sa mga negosyo ng pamilya. Habang pareho namang medical student sina Justin at Janine.             Medical student din ang nakababata at nag-iisang kapatid ni Paolo na si Anthony. At tulad ni Paolo ay isang licenced architect ang daddy nito at general surgeon naman ang mommy nito. They continued talking and cuddling for hours in the same place. Later on ay nagyaya si Paolo na magsayaw sila kahit na walang tugtug. Natatawang pinagbigyan ni Jane ang nobyo. They danced while laughing and end up passionately kissing on top of the bed. Pareho na silang topless nang bigla siyang matauhan. “Why?” iretableng tanong ni Paolo nang kumawala si Jane sa nobyo. “I’m sorry, Pao, I’m still not ready for this.” Tumayo siya at mabilis na pinulot sa sahig ang damit niya at nagsimulang isuot. Tumayo rin si Paolo at nilapitan siya. “C’mon, Jane, ang tagal na ng relasyon natin. Engaged na rin tayo, hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin ready?” Moderna nang manamit at mag-isip sa lahat ng bagay si Jane. Pero pagdating sa intimacy ay makaluma at konserbatibo pa rin ang pananaw niya, pero hindi naman siya prude at naive. They had been in that situation countless times. Hindi naman siya nangangarap na maging virgin bride. Talaga lang matibay ang self–control niya at hindi pa siya handa sa consequences na puwedeng mangyari kapag ipinagkaloob na niya ang sarili sa nobyo. She was lucky that Paolo was always in control and respect her. “Paolo, please, tigilan na natin ito. Get dress at umuwi na tayo.” Minadali niya ang pagbubutones ng denim shirt niya. Napatigil siya sa ginagawa nang marahang hawakan ni Paolo ang baba niya at itinaas ang kanyang mukha. Nagtagpo ang kanilang mga mata.   “I love you so much, Jane. Trust me, hindi kita pababayaan. I’ll marry you anytime you want. Kahit bukas na bukas pa,” sabi nito bago yumuko at muling inangkin ang mga labi niya.   Hindi siya nakaiwas sa halik. Sandali niyang pinagbigyan ang nobyo at muling tinugon ang mga halik. Nang muling maglikot sa katawan niya ang mga kamay ni Paolo ay doon na niya ito muling itinulak. Subalit bahagya lang natinag ang binata, mas lalo pa siyang hinapit palapit sa katawan nito. Ipinaramdam sa kanya ni Paolo ang kahandaan nito at bumaba pa ang mga halik sa kanyang leeg. Inipon niya ang kanyang lakas at ubod-lakas na itinulak si Paolo. Napabitiw sa kanya ang binata ngunit muling humakbang palapit sa kanya. Anyong muli siya nitong hahawakan nang isang malakas na sampal na ang pinadapo niya sa makinis nitong pisngi. Doon na biglang natauhan si Paolo, shocked na tumingin ito sa kanya. “Jane, I’m so sorry,” sising-sising sabi nito. Muli sana itong lalapit subalit mabilis siyang umatras palayo. “Magbihis ka na at umuwi na tayo!” mariing sabi niya at mabilis na nagkulong sa loob ng banyo.   NAGTAAS ng tingin si Jane mula sa binabasang report sa ibabaw ng desk nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya.   “Oh, God, finally!” bulalas niya nang magkahawak-kamay na pumasok sa pinto ang best friend niya at ang magaling niyang pinsan. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa mag-asawa.           “Whoa, nalipat na ba ang shop ng Petals dito?” manghang sabi ni Kate habang inililibot ang tingin sa loob ng opisina. Halos mapuno na kasi ng mga bulaklak ang opisina dahil sa araw-araw na pagpapadala ni Paolo. Isa lamang iyon sa paraan nito iyon upang humingi ng tawad kay Jane. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang magtungo sila ni Paolo sa Tagaytay at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito kinakausap. Sa tagal ng relasyon nila ay iyon pa lang ang pinakamatagal na may misunderstanding sila. Sa tuwing nagkakatampuhan kasi sila na bihirang-bihira lang mangyari, pinakamatagal na ang tatlong araw na hindi sila nagkikibuan. Tinambakan ng kanyang nobyo ng mga text message ang cell phone niya at pati na rin ang e-mail niya na nagsasabi kung gaano ito nagsisisi sa nagawang kasalanan sa kanya. Bukod doon, noong isang araw ay nadatnan niya sa ibabaw ng kotse niya ang isang banner na may nakasulat na “I love you, Jane. Please forgive me.” Hindi naman siya manhid para hindi maapektuhan sa mga effort ni Paolo para mapatawad niya. At hindi naman talaga siya galit dito. Ang gusto lang niya ay magtanda ito at hindi na umulit. Mabigat din naman sa dibdib kapag ganoong may hindi sila pinagkakaunawaan. Aware naman siya sa physical needs ni Paolo bilang lalaki. Marahil ay nadala lang ito sa bugso ng damdamin at bahagya itong nalasing kaya umakto ito nang ganoon nang gabing iyon. Kasalukuyan nasa Cebu si Paolo kasama ang ama para mag-inspect ng progress ng dine-develop na subdivision ng real estate company ng daddy nito. Ipinaalam iyon sa kanya ni Paolo sa text kaya niya iyon nalaman.           Nagkibit-balikat si Jane bago humalik sa pisngi at yumakap kay Kate. “Ang tagal n’yong nawala, na-miss kita, sis.”           “Na-miss din kita. ‘Di bale, marami naman kaming pasalubong sa ‘yo,” tugon ni Kate habang magkayakap sila.           “Dapat lang ‘no.” Nagbitiw silang magkaibigan at binalingan ni Jane ang kanyang pinsan. “Grabe ka, Kuya, tinambakan mo ako ng trabaho. Tatanda ako kaagad sa ginawa mo,” reklamo niya bago pumaloob sa yakap nito.           “Babawi na lang ako sa ‘yo next time, Jane.”           “Dapat lang! Magle-leave din ako at two months din akong magbabakasyon  sa Palawan,” biro niya.            “Let me guess, may ginawang kasalanan sa ‘yo si Paolo kaya santambak ang mga bulaklak ngayon dito sa opisina mo, ‘no?” sabi ni Kate habang inaamoy-amoy ang isang talulot ng rosas sa isang vase.             Kumalas si Jane kay Kuya Jay-Jay at nilingon si Kate. “Yes.”           “Grabe naman si Paolo mag-apologize. Bakit ikaw, sweetheart, no’ng  nakipag-break ako sa ‘yo, hindi mo man lang pinuno nang ganito karaming bulaklak ang opisina ko para patawarin kita,” nakangusong baling ni Kate sa asawa.           Napakamot ng ulo si Kuya Jay-Jay sa narinig.           Nilapitan ni Jane si Kate. “Huwag mo na ngang pansinin ‘yang mga bulaklak na ‘yan. Kailan pa kayo dumating? At pansin ko, sis, tumaba ka.”           “A few hours ago. Umuwi lang kami sandali sa bahay at nagpunta na kami dito dahil gustong sumilip ng kuya mo sa opisina niya. Anyway, I’m three weeks’ pregnant kaya tumaba talaga ako,” ngiting-ngiting pagbabalita ni Kate.           Nanlaki ang mga mata ni Jane sa narinig. “What? Magkakapamangkin na kaagad ako?” hindi makapaniwalang sambit niya.           “Yes, Jane, plinano talaga namin ni Kate na magka-baby kaagad,” tugon ni Kuya Jay-Jay habang lumalapit sa asawa.           “Well, congratulations!” At muling niyakap si Jane ang mag-asawa.           “How about you? Kailan ba talaga kayo magpapakasal ni Paolo? Preggy na ko pero hanggang ngayon wala pa rin yata kayong wedding date?” tanong ni Kate.           “Oh, please spare us. Ni hindi pa nga kami okay ni Paolo ngayon. In due time, magpapakasal din kami.”           “Ano bang ginawang kasalanan sa ‘yo ni Paolo, Jane?” tanong ng pinsan niya.           Nagkibit-balikat siya. Kahit na sobrang close sila, never niyang sasabihin kina Kate at Kuya Jay-Jay o kahit pa kay Trisha ang dahilan ng misunderstanding nila ni Paolo.  Pinanatili niya na may privacy ang relasyon nila. At ayaw rin niyang mag-iba ang tingin ng mga ito sa nobyo niya. “Alam na ba ng kuya mo at ni Trisha ang good news n’yo?” pag-iiba niya ng usapan habang bumabalik sa kanyang desk.           “Hindi pa nga, eh. Sina Mommy at Daddy pa lang ang nakakaalam. Balak naming pumunta sa kanila pagkatapos sumilip ni Jay-Jay sa opisina niya.”           “Why not now? I’m free to go samahan na kita. Sumunod ka na lang, Kuya sa amin, Kuya,” suhestiyon niya.           “All right,” pagsang-ayon ni Jay-Jay.              Mabilis na nagligpit ng mga gamit at nag-retouch si Jane. Pagkatapos magbilin sa kanyang sekretarya ay lumabas na sila ng opisina.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD