Nang pahapon na at lumamig na ang ihip ng hangin ay bumalik na rin kami sa aming silid. Nang makapaligo at makapagpalit ng damit ay sinilip ko ang kambal at nakita kong mahimbing na ang tulog ng mga ito. Sunod kong sinilip ay si Keira at maging ito ay mahimbing na rin sa pagkakatulog kagaya ni Abi. Maya-maya ko na lang siguro sila gigisingin kapag nakaready na ang aming dinner. "Kier, labas lang ako saglit, ha. Magpapahanda na ako ng dinner natin." paalam ko kay Kier. Nag aahit ito ng mga balbas at bigote niyang medyo tumutubo na. "Okay. Tapusin ko lang itong pag-aahit ko ng tumutubong balbas ko. Susunod rin ako sa'yo." aniya na seryoso sa ginagawa. "Okay. I'll go ahead na." Hindi na ako nagdala ng kahit na ano dahil hindi ko naman kakailanganin ng pera. Sa hagdan ako dumaan pababa. D

