Kinaumagahan nga ng sabado ay nag-ready na kami ng mga dadalhin. "Nakahanda na ba ang lahat sa pag-alis natin?" tanong ni Kier pagkapasok nito sa kwarto. Agad naman lumabas ang isa naming maid ng pumasok na si Kier. "Oo, mabilis lang naman. Isa pa tinulungan ako ni Ate Zeny sa pag-iimpake." nakangiting tugon ko. "Okay, good. Tatawagin ko lang ang ibang maids para ipabuhat sa kanila ang lahat ng iyan para mailagay na sa sasakyan. Huwag kang magbubuhat, ha? Hayaan mong sila na ang gumawa niyan." ani Kier at hinalikan ako sa labi bago lumabas ng silid. Maya-maya nga ay nagpasukan na ang ilang maids at isa-isang binitbit palabas ang aming mga bagahe. Bumaba na rin ako dahil nasa ibaba na silang lahat. Nagpasya rin sumama sina Mommy at Daddy sa bakasyon dahil gusto din daw nilang magtampi

