Nagmamadaling pinuntahan ni Kier si Cristina pagkatapos ng tawag na iyon and it's okay to me because it's a matter of life and death naman, although hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ito na-hospital. Napatingin ako sa mga anak kong natutulog na. Mas pinili kasi ni Keira na dito matulog sa silid namin. Pinayagan ko naman dahil alam kong namimiss na niya akong katabi sa kama kagaya noon. Pagabi na nung umalis siya, hating gabi na ngayon pero hindi pa rin ako makatulog. Nandito ako pero ang isip ko ay kasama ni Kier. Hindi man lang ba niya ako tatawagan para ipaalam man lang sa akin kung uuwi ba siya o hindi? Nakaupo ako pero napapapikit ako at muling magigising kapag nararamdaman kong nakakatulog na ako. Nagpasya akong humiga na kahit na gusto ko pa talagang hintayin ang asawa ko.

