Hindi ko namalayan na nakatulog din pala ako sa loob ng silid na iyon. Naalimpungatan lang ako ng makarinig ako ng boses ng isang babae at isang batang lalake. Dahan-dahan akong bumangon sa malambot na kama. Inayos ko muna ang sarili ko kahit na alam kong wala akong panty! "Jusko, Kier! Ibalik mo na yan sa akin!" maktol ko sa isipan ko. Nag-retouch ako ng konti at dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Paglabas ko ng silid ay naging malinaw na kung sino nag naririto sa opisina ng asawa ko. "Kier, sandaling oras lang naman ang hinihingi ng anak mo. He wants to be with you on saturday, hindi mo pa mapagbigyan? Isang araw lang naman sa loob ng isang linggo." ani Cristina na nakikiusap ang boses kay Kier. "Cristina, please. Huwag mo ng ipagpilitan ang gusto mo. Ayokong makipagtalo sa'yo sa

