"Kier, calm down. Wala kaming ginagawang masama rito" Hindi ko alam kung ano ang pinanggagalingan ng galit niya. Kanina lang ayaw niya akong isabay sa kotse niya pero heto siya ngayon, bigla-bigla nalang sumusulpot at galit na galit pa. "Wala? Pero bakit halos magkalapit na ang mukha nyong dalawa?" giit pa niya. "Bro, we are not doing anything wrong here..." ani Terrence pero ngumisi lang si Kier. "Ako pa ang niloko mo? Akala mo ba hindi ko alam na kaya mo ipinagpipilitan ang sarili mo sa kumpanyang ito ay para makasama mo ang asawa ko!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Kier! Stop!" gigil na pigil ko sa kanya. "Ano bang nangyayari sa 'yo? Pupunta ka dito tapos mag-eeskandalo ka? I thought your are busy? So, anong ginagawa mo rito ngayon?" inis na tanong ko. Napatingin naman a

