Agad na pinutol ni Kier ang pag-uusap nila ni Cristina ng mapansin niya na nakatayo ako malapit sa kinatatayuan niya at agad na isinilid ang cellphone sa kanyang bulsa. "Asawa ko? K-kanina ka pa ba diyan?" nag-aalangan niyang tanong sa akin. Bigla siyang hindi mapakali at hindi makatingin sa mga mata ko. "Kadarating ko lang din, aayain na sana kitang kumain sa ibaba dahil sabi sa akin ni Aling Martha ay hindi ka pa raw kumakain ng hapunan." pinilit kong maging pormal ang aking pagsasalita. Ayokong magtanong ng tungkol sa kanila ni Cristina dahil mas gusto kong siya mismo ang magsasabi ng kusa sa akin. "G-ganun ba, okay, let's go. Kanina pa nga ako nagugutom, e." aniya at hinapit na ako sa bewang palabas ng aming silid. Kanina pa nagugutom, ha? Tss! Pagbaba namin ay agad na naghain n

