Pagkauwing-pagkauwi ko sa mansion ng Montelibano ay dinagsa agad ako ng tanong ng mga kasambahay. Bakit daw hindi ako umuwi kahapon at kung saan daw ba ako natulog at kung saan ako nanggaling. Hindi ko naman masabi sa kanila na dinala ako ni Sir Kier sa condo nito dahil tiyak na magtataka ang mga ito at baka kung ano pang isipin tungkol sa akin. Iniwasan ko na lang at hindi sinagot sinagot. Nagpalusot na lang ako na pagod ako at kailangan kong magpahinga. Wala naman na silang nagawa ng iwan ko sila sa kusina. Nang sumunod na araw ay nagpaalam sa akin si Sir Kier na baka hindi kami gaanong magkita ngayong buwan dahil sa sunod sunod na business trip niya. Wala naman akong magagawa sa bagay na iyon dahil trabaho niya yun at mahalaga ang kumpanya para sa pamilya niya. Naging normal naman an

