Lately, nakakaramdam na ako ng kakaiba sa katawan ko. Para bang palagi akong inaantok at palaging nahihilo. Palagi na rin akong tinatanghali ng gising dahil tamad na tamad akong bumangon sa higaan ko. Mabuti na lang at bakasyon na. Kaya kahit tanghaliin ako sa paggising ay ayos lang. Medyo masakit din ang ulo at pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko kaya nagtatakbo papunta sa banyo. Kasalukuyan akong sumusuka sa banyo pero wala naman lumabas sa aking bibig. Para bang nalamigan ang sikmura ko. Napaisip pa ako sa sarili ko kung ano bang klase ng pagkain ang ipinakain sa akin ni Ana kagabi para magsuka ako ngayong umaga ng ganito kalala. "Aki? Okay ka lang ba?" nabosesan ko si Ana. "O-oo okay lang ako." tipid na sagot ko bago sumuka ulit ng walang lumalabas sa aking bibig. Pakiramda

