Halos gumuho ang mundo ko sa ibinalita ni Henry sa akin. Napahawak ako sa hamba ng pintuan dahil para bang nawalan ako ng pwersa sa aking buong katawan. Nanghina ako. Nakakaramdam din ako ng pagsakit ng dibdib ko pati na rin sa aking tiyan. Hindi ako makapagsalita. Nakatulala lang ako sa kawalan habang panay ang tulo ng aking luha. Kagabi lang ay ang saya pa namin, pero bakit ngayon sobrang lungkot naman ng naging kapalit. Paano na ako, si Keira, at ang magiging anak namin. "Aki?" untag sa akin ni Henry. "Henry, sabihin mo sa aking hindi totoo 'yang sinasabi mo! Na... nagbibiro ka lang! Nagbibiro ka lang, 'diba, Henry?" hinawakan ko ang kwelyo ng suot niyang damit at inuga-uga ko siya na para bang ginigising ko siya sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. "I-I'm so sorry, Aki pero nag

