Henry's POV Eksaktong nasa board meeting ako ng ibigay sa akin ng sekretarya ko ang telepono. Nagalit pa ako dahil nga inistorbo nito ang meeting ko with the board of directors. "What is it this time Conie? Alam mong nasa importanteng meeting ako!" gigil na sabi ko sa sekretarya ko dahil sa pang-iistorbo niya sa akin. Humingi ako ng paumanhin sa mga ka-meeting ko at mukha namang naintindihan nila. "Eh, Sir! Nakiusap lang po sa akin na kung maaari daw ay ibigay ko sa inyo dahil emergency daw po." Hindi mapakaling sabi ng sekretarya ako. "Anong klaseng emergency ba yan?" "Tungkol daw po kay Sir Kier..." "Kay Kuya? "Yes po, Sir..." Pahablot kong kinuha sa kamay ni Conie ang telepono at agad ko iyon sinagot. Pagkasagot ko ay itinanong niya sa akin kung kaano-ano ko raw si Kier Mon

