Kier's POV Nagising ako sa malakas na patak ng ulan na tumatama sa mukha ko. Basang-basa ako. Gutom na gutom. Nanunuyot ang mga labi at maraming galos sa katawan. Nanghihina ako dahil ilang araw na akong walang kain dito. Dito ako dinala ng alon sa isang isla na hindi ko alam kung anong lugar. Walang katao-tao, na para bang ako lang mag-isa and nandirito. Hinubad ko ang aking damit at nagkubli ako isang malaking puno at niyakap ko ang aking sarili para maibsan ang lamig na nararamdaman ko ngunit patuloy pa rin sa panginginig ang buong katawan ko. Hindi nawawala sa isip ko ang mag-iina ko. Kung kamusta na ba ang asawa ko. Nahihirapan na ba siyang kumilos at maglakad. Gumagalaw ba palagi ang baby namin na nasa tiyan niya. Kung palagi ba akong hinahanap ni Keira tuwing gabi bago ito matulo

