Kinaumagahan ay maaga na naman akong nagising dahil sa morning sickness ko pero hindi na ako masyadong hirap kagaya nung mga naunang araw. Pagtingin ko sa kama ay tulog na tulog pa rin si Kier kaya naisipan ko ng bumaba sa kusina. Pagbaba ko ay naabutan ko si Ana na tinutulungang magluto ng agahan si Manang Celia. "Pagkagagaling talagang pumili ng babae ng mga apo ko. Aba! Kay gaganda at mukhang artistahin!" Proud na sabi pa ni Manang Celia. "Syempre po, Manang Celia. Kailangan po talaga nilang mamili ng maganda, dahil kung hindi po nila kami pipiliin, abay! Kawawa po sila! Marami silang kaagaw!" saad ni Ana habang ginaya ang puntong batangas ni Manang Celia. Natawa naman ako ng bahagya kaya naagaw ko ang atensyon nila. "Oh Aki, ang aga mo yatang nagising?" Tanong agad ni Ana. "Oo ng

