TNSH 59-SHOCKING MOMENT

1432 Words

"Well. Well. Well. Masaya na ba ang lahat? Wala na ba kayong nakalimutan na sabihin?" At lahat kami ay napalingon kay Cristina na panay ang palakpak habang papalapit sa amin. "Sandali lang," ani Kier bago ibigay sa akin si Keira at agad na sinalubong si Cristina para pigilan. Hinawakan niya ito ng mahigpit sa braso at halatang pinapahinto sa paghakbang. "Huwag ngayon, Cristina," may pagbabantang wika ni Kier pero hindi man lang natinag si Cristina at sinalubong din nito ang masamang tingin ni Kier sa kanya. "Kalma Kier, wala pa akong ginagawa natatakot ka na kaagad? Tss!" sabay ngisi ni Cristina. Tumingin sa akin ng pasulimpat bago inilibot ang paningin sa mga taong naririto sa loob ng silid. At nang tumapat kay Tita Lilibeth ang mga mata niya ay biglang lumawak ang ngiti nito sa labi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD