TNSH 58-WEDDING PROPOSAL

2033 Words

Dinala ako ni Kier sa mansion nila kinabukasan. Namiss ko ito, muli ay nanumbalik sa akin ang nakaraan. Kung paano ako nagsimula bilang katulong at kung paano ako natuto sa aking ginawang desisyon sa buhay. Hindi ko naman pwedeng sabihin na maling desisyon dahil para sa akin ay si Keira ang pinakatamang desisyon na ginawa ko sa buhay ko. Hinanap ng mga mata ko si Henry at si Ana. Nagpalinga-linga pa ako pero hindi ko talaga sila makita. Nasan kaya sila? "Hmm... Kier? Si Henry pala at si Ana? Nandito pa ba sila pati si Manang Rosa?" Malaki ang ipinagbago ng mansion. Mas naging marangya ang bawat gamit at dekorasyon. Marami na rin silang maids na kapwa nakatingin sa amin ni Kier pagkatapos ay mabubulungan. Nginitian ko na lang sila. Curious siguro dahil ngayon lang nila ako nakita dito. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD